Una sa Balita

Alden, paboritong ka-selfie pa rin ng mga taga-showbiz!

By
0 5
Alden Richards
Alden Richards

Gaya sa nakakaraan ay dinumog ng mga artista mula sa iba’t ibang network ang annual PEP listers na nasa ikatlong taon na ngayon. Wala man ang awardee na si Maine Mendoza ay nandun naman si Alden Ri­chards na walang reklamong umakyat sa stage para tanggapin ang napakaraming awards para sa kanya, sa kanila ni Maine at sa mga progra­mang kinabibilangan niya sa GMA at TAPE Productions.

Tatlong top awards ang nakuha nina Alden at Maine, ang TV Stars of the Year, Newsmaker of the Year, at Celebrity Pair of the Year. May solo awards din sila at lahat ng iyon ay tinanggap ni Alden, bukod pa sa umakyat din siya, kasama ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga as Variety/Game Show of the Year at mga host ng Sunday PinaSaya na napili namang Comedy Show of the Year.

As usual very accommodating si Alden sa mga kasamahan sa panulat at sa mga dumalo sa gabing iyon para magpa-picture sa kanya. Never namin nakitaan ng pagbabago si Alden maliban na lang sa sobrang pagka-busy niya. Gayun pa man ay lagi itong nakangiti with his cute dimple.

At kahit ang mga kapwa-artista niya, makikita na nakiki-selfie pa rin talaga sa kanya. Meaning, kahit saan magpunta si Alden, siya pa rin ang paboritong ka-selfie ng taong bayan, pati na mga taga-showbiz.

Bumuhos man ang malakas ang ulan ay hindi Ito naging hadlang sa tagumpay ng annual event na ‘yon.