Una sa Balita

Alden natameme sa relasyong Maine, Arjo!

By
0 1,217

Obvious na hindi scripted o planted question ang nangyari sa isang segment ng Sunday PinaSaya noong Linggo. That’s what you get when a program ay live kaya winner talaga.

Halatang nagulat pareho sina Alden Richards at Ai-Ai delas Alas sa fan na nagngangalang “Nicole” na matapang na natanong si Alden kung ano raw ang pakiramdam nito na pinalitan na siya ni Maine Mendoza.

Of course, the fan is referring to Arjo Atayde na rumored boyfriend na nga ni Maine.

Nagulat man, pero na-handle na mabuti nina Alden at Ai-Ai ang tanong. Nakangiti pa rin pero biglang nagtakip ng bibig si Alden. Si Ai-Ai naman, humirit na hindi na kailangang sagutin ni Alden ang tanong.

Ang bukod-tanging nasambit na lang ni Alden, “invalid, invalid ang tanong.”

May mga comment kaming nabasa na hayan na naman at ninenega si Alden. Bakit daw hindi nito masagot ang tanong, takot daw ba na ma-bash ng AlDub Nation?

Napaisip tuloy kami, paano nga ba dapat sagutin ni Alden ang tanong? Kung ang sagot niya ay “hindi po, walang ipinagpalit,” ang ibabato naman sa kanya ng mga fan, “paasa,” “move on,” o “hopia”.

Kung sasabihin naman niya na “hindi niya ako ipinagpalit na love­team, sa totoong buhay lang,” ala­ngan namang si Alden pa ang umamin officially for Maine and Arjo na ang pinaka-give-away na sagot sa status nila ay “exclusively dating” pa lang.

So, saan man lumugar si Alden, sigurado naman na may masasabi at mamamasamain. Kaya tama si Ai-Ai,hindi na nga niya kailangang sumagot.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy