Una sa Balita

Alden napahamak, binatikos sa photo with Imelda Marcos

0 582

Walang kamalay-malay si Alden Richards, pero heto nga at naiipit na siya dahil lang sa isang event na pinuntahan niya, ang solo art exhibit ni Elizabeth Oropesa.

Nag-post nga si Jean Garcia ng mga photo na kuha sa event na ‘yon ni La Oropesa. At makikita nga ang mga photo na magkakasama sina Jean, La Oro, Alden, at si former First Lady Imelda Marcos.

Dito nga naloka ang ilang mga fan, na obyus na galit kay Madam Imelda.

Sabi nila, hindi dapat makita na kasama ni Alden si Madam. Gumawa nga raw ng “Alaala: A Martial Law Special” si Alden, kaya alam na alam daw nito ang mga kaganapan noong panahon ng mga Marcos.

Heto nga ang post ni Jean:

“At the solo art exhibition of Ms. Elizabeth Oropesa @elizabethoropesa with the original Madame, former First Lady Imelda Marcos and my baby love Alden Richards @aldenrichards02. Congratulations Ma, I’m now a BIG fan of your work. Thank you for bearing your soul and daring to share it with us. I’m soo proud of you and I love you!!!

“You can view her beautiful artwork at Walls Gallery Truimph Bldg. in Quezon Avenue, from October 5-26, 2019. Maraming salamat po!”

At ‘yun na nga, sunod-sunod na ang reaksiyon ng ilang tao na galit sa mga Marcos.

davidscookie: “One of the very few Alden photos that I don’t like. Please don’t associate yourself with the dictator’s wife but I know you only did this for photo purposes knowing Elizabeth as a supporter of the dictator’s family. I only like her character as Lola Char. Also A is aware of what happened before. He did Alaala, a Martial Law documentary.”

farfrokyou: “Kung i-delete mo na para hindi name-misinterpret itong post mo @chic2garcia sana kinongrats mo na lang si elizabeth oropesa na pic lang nya. The Gift co-stars (Alden, Mikoy, Mikee at Jo Berry) mo nandyan to support Elizabeth Oropesa dinamihan mo pa talaga ung pics kasama ung Marcos e ‘di lalong mami-misinterpret yang picture at lalong maba-bash si A niyan.”

uuuuuuuuuuu550: “I-delete mo kaya to. Kahit nandyan ang cast ng The Gift lalo na si Alden to support Ms. Elizabeth Oropesa still nandyan si Imelda Marcos. Si Alden ang naba-bash. May ma-post lang no? Sana inisip muna kung maba-bash o hindi si Alden.”

watahout0: “Gumawa si Alden ng ‘alaala martial law special’ kawawa si A sa bashing kapag nakita to sana ibang pictures na lang inupload nyo.”

Pero siyempre, lumabas din ang mas maraming supporter nina Jean at Alden, na nagtanggol sa kanilang mga idolo.

amor_sheilo: “omg! mahiya naman kau this is madam Jean act she can post what ever she like mga kitid at nega tlg sino kau para dktahan kng ano ippost niya.”

arcelie_salzberg: “tawang tawa nga ako sa mga nega na to. Gusto nila si miss jean ang mag adjust, Edi wow. Wag mo idelete mam @chic2garcia, napakaganda po ng post niyo.”

Well, hindi nga nagpadala sa banta si Jean, dahil hindi talaga niya binasura ang mga IG photo nina Alden at Marcos.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy