Una sa Balita

Alden nanggulat, dinumog sa Nueva Ecija

0 736

Binulabog ni Alden Richards ang Crystal Wave Resort sa Talavera, Nueva Ecija noong Linggo ng hapon habang nagaganap ang Wheeltek Christmas Party for their Luzon branches.

Sa pagpasok ng Pambansang Bae sa napakalaking mala-auditorium venue ng Crystal Wave Resort ay hindi magkamayaw ang hiyawan ng naroroon, mapa-babae o lalaki man. Hindi kasi ipinaalam ng management na si Alden ang celebrity guest nila na every year ay laging meron silang special guest.

Kaya ganu’n na lamang ang gulat nila. Maski nga si Roscoe Odulio, Wheeltek Vice President for Marketing na lagi kong kausap pagdating sa mga celebrity guest for over ten years, ay nagulat sa response ng mga empleyado nila.

Pati rin ang matriarch ng family ay ngayon lang namin siya nakita kung gaanong kagalak sa celebrity guest nila sa lahat ng napakalaking artistang nadala ko na sa Wheeltek.

Nagpapasalamat naman ako kay Alden na napakabait at very accommodating sa napakaraming gustong magpa-picture sa kanya. Puro papuri ang natanggap ni Alden mula sa pamilya Odulio na siyang may-ari ng Wheeltek.

Napaka-humble at magalang daw ito at wala silang nakitang kayabangan sa kanya. Maraming pinagawa kay Alden sa programa na labas sa usapan namin pero hindi nagreklamo si Alden sa akin bagkus all smiles siya sa lahat.

Kaya ‘wag na tayong magulat na maging part ng Wheeltek Family ang Pambansang Bae.

Blessing din pala ang last minute pag-back out ng aktor na dapat siya ang celebrity guest sa araw na ‘yun dahil pinag-adya ang Wheeltek na makilala ang kabaitan ni Alden na hindi nasusukat sa TF ang serbisyo niya.

Sabi nga ni Alden, “Sobra ang bait nila Tito.”

Aga, Bossing mabango sa MMFF

Christmas is just around the corner at nalalapit na ang start ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Pero parang ilan lang ang nararamdaman kong entries sa nasabing festival.

Late na yata sa promo at more than a week from now na lang ang first day opening. Ang “Miracle In Cell No. 7” ang bet ko, plus ‘yung kay Bossing Vic Sotto and Maine Mendoza na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon”.

Well, wish naman ng lahat na mas marami ang manonood ngayong taon kumpara last year.

Priscilla binuking ng dyowa sa Canada

May nabasa ako pero hindi ko na siya makita na diumano ay nagsalita ang partner o asawa ni Priscilla Almeda na naka-base sa Canada kasama ang mga anak nila.

Nagpaalam lang daw sa kanya si Priscilla para balikan ang showbiz at sinuportahan daw niya ito. Ginastusan pa raw niya ang pag-settle back to the Philippines ng asawa na hanggang ngayon daw ay sinusuportahan niya.

Kaya nagulat daw siya na nakikipagrelasyon ang asawa kay Jomari Yllana habang may relasyon pa rin sila at walang hiwalayang naganap. Panay nga raw ang iyak ng bunso nila na hinahanap ang ina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More