ALDEN, NANGARAP MAGING MR. POGI!

By

Kasabay ng selebrasyon ng Eat Bulaga ng ika-38th anniversary at ng 2nd anniversary ng AlDub loveteam, nagbalik-tanaw ang Pambansang Bae na si Alden Richards ng kanyang simula sa longest-running noontime show.

Reminiscing. 👋🏻😃 #ALDUB2ndMonthsary

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Sa kuwento ni Alden, malaking bahagi ang kanyang yumaong ina sa pagpasok niya sa showbiz at isa sa naging hiling nito noon ay ang mag-audition ito sa pakontes ng EB na Mr. Pogi.

“‘Yung nanay ko, gustong-gusto akong mag-artista. Sabi niya mag-audition daw ako sa Mr. Pogi kaya lang medyo matagal siya bago bumalik.

So nag-try muna ako sa iba mag-audition after mawala ng mom ko,” pagbalik-tanaw pa ni Alden.

Hindi kaila sa lahat na sumubok mag-audition si Alden sa mga reality competition shows na Pinoy Big Brother at StarStruck. Parehong nabigo si Alden na makapasa.

Hindi tinatago ni Alden na mabigat para sa kanya ang ma-reject dahil parang unti-unting nasisira ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya.

“Masama ang loob ko, tapos naghihintay na lang talaga ako mag-open ‘yung Eat Bu­laga for Mr. Pogi. ‘Yun kasi ‘yung isa sa mga nagmarka sa’min ‘nung bata kami na kung gusto mong mag-artista talaga, Mr. Pogi ang stepping stone,” say niya.

Pero hindi na nga nagawang makapag-Mr. Pogi si Alden dahil pagkatapos ng ilang taon sa showbiz, dumating ang tamang panahon para sa kanya ay nakilala na siya bilang Pambansang Bae.

Nagsimula bilang isa sa co-host ng EB si Alden noong July 6, 2015 at binigyan siya ng sarili niyang segment na That’s My Bae.


“By the time na nagkaroon ng Mr. Pogi, iba na ‘eh, andito na ako sa Eat Bulaga, so ako na ‘yung nag-host ng ibang klaseng Mr. Pogi at ‘yun na ‘yung That’s My Bae.”

Noong July 16, 2015, doon naman nabuo ang tambalang AlDub dahil sa pagtagpo nila via split screen ni Maine Mendoza na kilala pa lang noon bilang Yaya Dub sa segment na EB: Problem Solving na naging Kalyeserye.

And the rest, as they say, is history. 

SHARE