Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden nang-akit ng mga beki, girlash

0 161

Hindi nangiming ipakita ni Alden Richards ang kanyang batak na katawan sa July cover ng MEGA Man magazine.

Bukod sa pagsuot ng iba’t ibang suit, nag-topless si Alden para ipakita ang kanyang well-toned chest and abs.

Bago ang cover shoot na ito, ilang beses na tinutukso ni Alden ang netizens sa pag-post niya ng kanyang topless mirror selfie sa social media. May video pa siyang pinost na naglalakad siya sa beach na naka-shorts lang at buong ningning na naka-display ang kanyang abs.


Ramdam mo na sobrang confident na siya sa kanyang katawan ngayon at puwede na siyang makipagsabayan sa ibang aktor na batak din ang katawan.


Ayon sa post ng MEGA Man sa IG: “This July, MEGA Man celebrates the evolving future of menswear through artistry and creative expression with men’s fashion, grooming, and culture. Through the years, actor and entrepreneur #AldenRichards’ signature style has also constantly evolved, paving the way to his signature, yet classic style.”


Malapit na rin mapanood si Alden bilang Good Boy sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up with Bea Alonzo, Jeric Gonzales and Yasmien Kurdi.

Anyway, nagising nga ang diwa ng mga bading, babae na nagpapantasya kay Alden, na sabi nga nila, patulog n asana sila, pero nagising sila, dahil sa kaakit-akit na putahe sa harap nila. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.