Una sa Balita

Alden nambulabog sa Pangasinan

By
0 4,135

Halos mapatid ang mga litid ng taga-Lingayen, Pangasinan, sa kasisigaw nang sumalang na si Alden Richards sa stage sa Capitol Plaza bilang isa sa guests sa Kapuso Pistay Dayat.

Mas feel tumili ng mga tao lalo na ang kababaihan kay Alden kesa makinig sa kinakanta niyang Something Just Like This. Bukod sa Pambansang Bae, nagpasaya rin sa taga-Pangasinan sina Bea Binene, Benjamin Alves at all-male singing group na One Up.

Kahit hectic ang schedule sa araw na ‘yon, pumasyal si Alden sa isang simbahan upang magpa­salamat. Bago bumiyahe ang Pambansang Bae, nag-celebrate muna siya at kanyang staff sa second year ng resto niyang Concha’s Garden sa Tagaytay.

Nathalie todo-buyangyang ng kaseksihan

Todo-buyangyang na si Nathalie Hart sa bilang cover girl sa last printed copy ng FHM ngayong Mayo.

Eh wala rin siyang takot magpasiklab sa kanyang malanding poses dahil simula nang magpalit siya ng image eh, bumenta naman siya sa pelikula at sa kalalakihan.

Proud kay Nathalie ang sister niyang si @cathy_snell sa cover niya. Hot na hot naman ang arrived niya sa iba niyang mga followers.

Sa isang magazine naman ng same publisher ng mag, si Julie Ann San Jose naman ang last cover girl sa printed issue nito. Sa pahayag ng bida sa My Guitar Princess, ho­nored and flattered siya sa pagiging cover ng glossy mag.

Kiko super trabaho kahit namatayan ng lola

Pinairal ni Kiko Estrada ang kasabihan sa showbiz na, ‘The show must go on!’ dahil kahit kamamatay lang ng kanyang Lola Nena (mother ng ina niyang si Cheska Diaz) eh, present pa rin siya sa presscon ng bagong Kapuso series niyang My Guitar Princess.

Pancreatic cancer ang ikinamatay ng kanyang lola kaya naman naglalagare siya sa trabaho at pagbisita sa lola habang nasa ospital. Kuwento ni Kiko sa huling pagbisita sa Lola Nena niya, isinayaw pa niya ito. Inalala ng lola ang unang pagkikita nila ng Lolo Paquito niya at sinabihang pakakasalan siya.

“The next day, she had a massive stroke in the right side of his brain. Gusto na raw niyang umuwi at maglaro ng bingo, mag-tong its,” saad ni Kiko.

April 27 namatay ang Lola Nena ni Kiko at April 30 ay inilibing na ito.