Una sa Balita

Alden ‘nakipag-date’ sa Japan

0 432

Talagang iba ang Pambansang Bae pagdating sa ugali. Sa rami ng mga aktibidades niya ay hindi pa rin niya napahindian ang mga supporter niya, na kahit anong busy niya sa trabaho ay hindi niya magawang biguin ang mga ito.

Biruin mo, sa kahilingan ng mga Aldenatics na makapiling siya kahit sandali ay sinamahan niya ang mga ito sa biyahe nila sa Japan. Mereseng overnight lang siya sa Tokyo ay okey lang, mapagbigyan lang niya ang mga ito.

Kitang-kita naman sa mga larawan kung gaano kasaya ang mga ito na makasama si Alden kahit sa maikling panahon.

At puwedeng-puwede na rumaket si Alden sa Tokyo habang siya ay naroroon, pero sa mga fan niya ibinuhos ang panahon niya habang nandu’n kasama sila. ‘Yan ang Pambansang Bae, na dapat tularan ng iba.

Hindi rin masidlan ng galak ang naramdaman ni Alden nu’ng i-post niya ang picture niya na sakay ng bagong-bago niyang Honda X-ADV Scooter courtesy of Wheeltek sa pamumuno ng VP For Marketing and Sales na si Roscoe Odulio.

Kaya panay ang praktis ni Alden para maging bihasa sa pagmo-motor at buong ningning niyang maipakita sa mga kaibigan kasama na si Wally Bayola sa biyahe papunta sa “Eat Bulaga” with all his protective gears for a safe driving.

Sana maging ehemplo si Alden ng ibang artista na seryoso sa career at hindi ‘yung kung ano-ano ang inuuna. (Joe Barrameda)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More