Una sa Balita

Alden nakipag-date sa Hong Kong

0 624

abante-talbog-joe-barramedaHindi pa man nakakapahinga si Alden Richards ay ratsada na agad siya sa trabaho. Aba may post naman siya na may dalang maleta at bumiyahe na naman.

Napag-alaman namin na hindi niya mahindian ang mga supporter niya at naki-join siya sa mga good time nila sa Hong Kong ng ilang araw.

Nakita namin ang ilang post ni Alden sa Hong Kong Disneyland at kasama rin si Tenten ang loyal nanay-nana­yan niya simula nang pasukin niya ang showbiz.

Puro blessings ang dumadating sa nag-iisang Pambansang Bae, na lagi naman niyang isini-share sa iba. Kaya panay ang papuri sa aktor na ito na never nagbago sa kinalalagyan niya ngayon. As of this writing ay balik-Eat Bulaga na si Alden.

Chris Tiu aktibo sa TV, simbahan

Inanunsyo na ni Chris Tiu ang pagreretiro niya sa basketball na isa sa mga pinagkaabalahan niya noong nasa Ateneo de Manila University (ADMU) pa siya. Si Chris ay bahagi ng ADMU na nag-champion sa 2008 UAAP Men’s Basketball.

Bale sa Rain or Shine siya sa PBA at tinapos na niya ang basketball chapter ng buhay niya. Maraming pinagkakaabalahan si Chris gaya ng hosting niya sa “iBilib” ng GMA 7, pagtulong niya sa Barangay Urdaneta sa Makati na siya ang chairman at mga personal na negosyo at family business.

Mula sa isang buena familia si Chris at being the eldest ay siya ang inaasahan ng ama na magpapatuloy sa negosyo nila. Kaya fully loaded si Chris plus may sariling pamilya na ito.

We will see more of Chris Tiu sa mga prog­rama niya sa telebisyon at active din ‘yan sa kanilang simbahan.

‘Almusal’ nina Ken, Rita patok sa mga fan

Isa na ngang ganap na recording star si Ken Chan dahil sa wakas ay pumirma na siya ng kontrata sa GMA Music. Ito ay para sa duet nila ni Rita Daniela na “Almusal.”

Si Rita ay ang love interest ni Ken sa top-rating Afternoon Prime soap na “My Special Tatay.” Patok na patok sa mga netizen at avid viewer ng serye ang loveteam nila bilang sina Boyet at Aubrey o BoBrey.

Talagang maganda ang pasok ng 2019 kay Ken dahil lalong gumaganda ang kuwento ng “My Special Tatay.” May ilan pa ngang gumagaya sa pagganap niya kay Boyet. Kaya naman masayang-masaya si Ken dahil kahit saan siya magpunta, ang tawag na sa kanya ngayon ay Boyet.

Talagang minahal at tinututukan ngayon ng sambayanan ang kuwento ng “My Special Tatay” pati na rin ng tambalan nila ni Rita kaya naman patuloy ang pag-arangkada nito sa TV ratings.