Una sa Balita

Alden naki-‘Bang Bang’ sa Araneta

0 272

abante-talbog-joe-barramedaNakigulo si A­lden Richards sa event na “Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2019” sa Araneta Coliseum nitong weekend. Eh mahilig ding maglaro ng ML kaya sumuporta siya sa mga kaibigang kasali sa labanan!

Naispatan si Alden sa Big Dome at nakuhanan ang presence niya na pinost sa Instagram ng netizen na may user name na @flo_renz13. After ng event, isinama ng Pambansang Bae sa isang dinner sa Concha’s ang ilang ka-ML niya na sumali.

Allen Dizon sugatan sa sapak ni Lovi

Jackpot para kay Allen Dizon na makatrabaho sina Judy Ann Santos at Lovi Poe sa magkahiwalay na peikula.

Magkasama sina Juday ay Allen sa Brillante Mendoza film na “Min-danaw.” Wala pang katiyakan kung isasali ito sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Ang sarap katrabaho ni Juday. Ang galing, professional at lagi kaming may pagkain sa shoo-ting!” saad ni Allen nang huli naming makausap.

Pisikal naman ang movie nila ni Lovi na “Latay.”

“Totohanan talaga ‘yung sapakan namin, sabunutan, sampalan. Nagkasugat ako, nagkasugat siya. Hindi maiwasan,” kuwento ng multi-awarded actor sa pelikula.

Pero malamang daw na una itong ipalabas sa international filmfest bago sa local cinemas.

Anyway, napanood si Allen bilang transwoman sa last Saturday episode ng “Magpakailanman.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy