Una sa Balita

Alden nakakaadik sa Magtanggol

0 874

abante-talbog-joe-barramedaRamdam ni Alden Ri­chards ang pagmamahal at suporta ng mga fan at maging mga kasama sa industriya sa paglipad ni Victor Magtanggol sa primetime.

Umulan ng positive comments ang mga post ni Alden sa Instagram at marami ang na-hook sa mga naunang episode nito.

Hindi binigo ni Alden ang mga pinangakuan niya ng qua­lity entertainment dahil bukod sa effects, busog sa katatawanan at charm ang palabas niya. 

Hindi na kataka-takang pumalo nang ma­higit isang mil­yong tweets ang Victor Magtanggol dahil ito talaga ang talk of the town ngayon.

Asahang mas kuwela at ex­citin­g pang mga episode ang mapapa­nood dahil simula pa lang ang kuwento ni Victor!

Heart magpapakatotoo sa blog

Mara­ming proyekto pang nakalinya para sa loyal Kapuso na si Heart Evangelista. Sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA Network, pinangako niyang mas marami pang pagkaka­taon ang mga Kapuso viewer na mapanood siya sa telebis­yon. 

Kayang-kayang pagsa­bayin ni Heart ang TV at ang iba pa niyang business at pro­jects kaya hindi kataka-takang maraming humahanga sa kan­ya. 

Ang pinaka nakaka-excite sa mga bago niyang project ay ang sariling blog na malapit na niyang i-launch. Sabi ni Heart, mas may pagkakataon ang mga fan niyang makilala siya thru this website.

“There’s going to be a lot things you will see from my past trips. I’ll also be writing and sharing a lot. It’s something new and different. Hopefully, they get to know me more with my website,” chika pa ng Kapuso star.