Una sa Balita

Alden ‘nagpapatakam’ para sa secret dyowa

By ,
0 468

Puro mga gym photo ang madalas na i-post ni Alden R­ichards sa kanyang Instagram. At in fairness, ang laki ng improvement sa body niya, ha!

From medyo tabachingching na may tummy, at belly, ngayon nga ay flat na ang tiyan niya, at ang ‘abs’ na nga ang inaasam ng mga fan na makita sa kanya.

But for now, ayaw pang magpasilip ng ‘abs’ ni Alden, eh. Baka pinabobongga pa niya, ‘yung tipong parang inukit na pandesal na, para mas katakam-takam sa mga fan niya.

Marami nga ang pumuri sa kanyang slimmer at thinner look kaya ime-maintain daw ito ng Pambansang Bae para sa kanyang TV comeback this year.

“Reward ko na rin sa sarili ko na medyo maganda ‘yung feedback ng mga tao with this look. And parang ayaw ko rin namang sayangin. Sayang naman ‘yung hirap. And so maintain na lang for future projects,” sabi niya.

Wala pang detalye tungkol sa kanyang magiging karakter pero ibang-iba raw ito sa huli niyang project sa GMA. Bukod dito, isa pa sa nilu-look forward ni Alden ay ang upcoming movie niya na “Hello, Love, Goodbye” kung saan first time niyang gumanap na isang millennial OFW.

Masaya si Alden dahil marami siyang natatanggap na good feedback sa mga nakapanood ng tea-ser ng pelikula tungkol sa kanyang pagganap.

Siyanga pala, kaaliw ang chika ng mga fan sa Instagram ni Alden, dahil sabi nga nila, nagpapatakam o nagpapa-yummy raw si Alden para sa dyowa niya na itinatago. Eh, kung may dyowa raw si Maine Mendoza, dapat lang na meron din si Alden.

Ang tanong, at pangungulit ng iba, sino ba ang dyowa ni Alden? Sobrang sikreto naman yata, na kahit sino ay walang makakita.

Basurerong ama bida sa ‘KMJS’

Nga-yong Father’s Day (June 16), tampok sa “Kapuso Mo, Jessi-ca Soho” (KMJS) ang kuwento ni Andrew Lagsa na buong pusong ipinagmamalaki ang tatay niyang isang basurero.

Sa isang segment sa “Wowowin,” proud na pinakilala ni Andrew ang kanyang 68 years old na ama na si Antonio Lagsa. Aniya, hindi niya kailanman ikinakahiya ang hanapbuhay nito na garbage collector dahil bawat basurang hinahakot ng kanyang tatay ay pantustos sa kanilang magkakapatid.

Samantala, isang ngiti naman na made of gold ang matatagpuan sa Maranao—dahil ang isang ngipin ni Lola Diosdada, sa totoong ginto pala gawa! Makalipas ang mahigit limang dekada, ang gintong ngipin na ito, for sale na raw? Alamin kung bakit naging bahagi na ng ating kultura ang pagpapagawa ng gintong ngipin.

Viral naman ngayon ang mga hugot at pagwawalwal sa bundok ni Marmie ng Sultan Kudarat matapos siyang miki-pag-break sa nobyo. Paano nga ba hihilumin ang pusong sawi? Si Kim naman, kumukulo ang loob sa sobrang galit dahil ang bestie niyang si Mitch, inahas daw ang kanyang jowa. Si Mitch, binuhusan ni Kim ng kumukulong tubig!

Abangan lahat ng ito at iba pang kuwento sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ngayong Linggo ng gabi sa GMA-7.

Dekdek, Leanne eeksena sa ‘I-Bilib’

Mga bagets ang bibida ngayon sa “I-Bilib” tulad nina Leanne Bautista ng “Sunday PinaSaya” at Dekdek ng “My Special Tatay”, na siyempre pa ay kasama pa rin sina Shaira Diaz at Chris Tiu.

Paano nga ba gumawa ng caramelized sugar sculpture with the help of ice?

Sa ‘Bilibabols’, the challengers don helmets on which food are attached by way of springs; the slightest move causes the springs and food to change in position, ma-king it hard for them to consume the most food in the fastest time.

Meanwhile, the Street Genius team discovers the extraordinary strength of a mere vacuum as it “fu-ses” two steel sheets together, and which among propane, gasoline, butane or diesel is the most explosive.

Lastly, in ‘Huling Hirit’, the gang’s ingenuity is tested when Chris asks them to divide a cake into 8 equal pieces, using just 3 straight cuts.

All these on the Fathers’ Day episode of your favorite science show e­very Sunday morning on GMA!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy