Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden nagpaligaya ng mga cancer warrior

0 129

Magbibigay-inspirasyon sina Alden Richards at Ruru Madrid sa mga cancer warrior sa Bright Side, na mapapanuod na sa bagong timeslot na 9:15 p.m.

Malapit kay Alden ang mga batang may cancer at kahit nitong lockdown ay gumawa siya ng paraan para mapasaya sila. Ganun din si Ruru na malapit sa mga cancer warrior dahil ang kanyang lola ay nagkaroon ng colon cancer.

SM food to go Banner Ad

Nakilala rin ng Bright Side ang ilang lumalaban sa sakit na imbes sumuko ay nagbibigay ng inspirasyon at handang tumulong.

Samanatala, mayroon daw “vaccine” sa Batanes kung kaya’t hanggang ngayon ay COVID-free pa rin sila. Ang tawag dito? Disiplina at bayanihan. Pebrero pa lang sinarado na ang Batanes sa mga turista at sila-sila mismong mga Ivatan ang nagtulungan para magkaroon sila ng kabuhayan at pagkain. Mayroong namimigay ng libreng isda, tinapay, gulay. May proyekto rin sila na kung tawagin ay “Walang Sayang” kung saan tinutulungan nila ang mga magsasaka na hindi masayang ang kanilang mga ani. Mayroon din silang Quarantine Resorts para sa mga na-stranded doon.

At, ang COVID survivor na si Donita Nose, makikipag-cook off kay Bright Side host Kara David sa Good Eats, kung saan bibida ang Pork Talong Binagoongan. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.