Una sa Balita

ALDEN, NAG-V-DAY SA OSPITAL

By
Alden Richards
0 5

Mahaba at matagal ang grand presscon ng Destined to be Yours ng GMA 7 noong Martes, pero hindi nahalata na masama ang pakiramdam ni Alden Richards dahil mataas ang lagnat niya.

Muling nagpakita ng professionalism si Alden dahil puwedeng-puwede na umalis siya nang maaga pero tinapos niya ang presscon. May nagsabi sa amin na pack up ang taping kahapon ng upcoming primetime teleserye ng Kapuso Network dahil pagkatapos ng presscon, didiretso sa ospital si Alden.

Sa February 27 ang pilot telecast ng Destined to be Yours at kinukunan ang mga eksena nito sa isang lugar sa Dolores, Quezon na walang network signal ang mga cellphone.

Abante Hiring – IT dep

Kung walang trapik, one hour and thirty five m­i­nutes ang biyahe mula Maynila hanggang Dolores na may layo na 105 kilometers  pero ayon sa isang cast member ng Destined to be Yours, umaabot ng tatlong oras ang kanilang travel time bago makara­ting sa set.