Una sa Balita

Alden nag-aalala para sa kapatid na nurse sa USA

0 617

MATINDI ang pagpapahalaga ni Alden Richards sa mga frontliner na health workers sa ginagawa nilang pagtulong ngayon dahil sa mga coronavirus infected.

Eh lingid sa kaalaman ng lahat, may kapatid na na lalaki si Alden na isang nurse sa California.

Gaya rito sa atin sa Pilipinas, locked down din ngayon sa California. Kaya naman sa interview kay Asia’s Multimedia Star, hindi niya maiwasang maging emosyunal nang magpasalamat sa mga abalang health worker ngayon

Pinauuwi na nga raw ni Alden ang kuya niya pero tumanggi ito dahil sa pagtulong na ginagawa.

Ipinagdarasal din ni Alden ang mga health worker na nalalagay sa panganib ang buhay ngayon dahil sa virus.

Kapatid na doktor ni Ruby ‘weak but stable’ ang kundisyon

PATULOY na humihiling ng healing prayers si Ruby Rodriguez para sa sister niyang si Dr. Sally Gatchalian.

Si Dr. Gatchalian ang presidente ng Philippine Pediatrics Society. Na-diagnose siya na may COVID-19.

Sa huling tweet ni Ruby, “weak but stable” ang kanyang sister pero fake news ang balitang namatay na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More