Una sa Balita

Alden naduwag, hindi naipagtanggol si Janine

0 1,003

abante-i-know-better-jun-nardoMasaya ang GMA sa outcome ng Victor Magtanggol dahil dumadami na ang mga sumusubaybay mapa-bata o matanda man. Kasi naman, puro mga magaganda at kaabang-abang ang mga eksena nila.

Kaya naman daw lalong nagiging inspirado si Alden Richards na pagbutihin ang bawat eksenang kanyang ginagawa.

Maski ang mga kasamahan sa teleserye ay pinaghahandaan ang bawat eksenang ipinagkakatiwala sa kanila.

Sa mga darating na araw, mukhang mahihirapan si Victor Magtanggol (Alden) na ipagtanggol ang sarili matapos mawala siya nang parang bula noong may nagtangka sa buhay ni Gwen (Janine Gutierrez).

Dahil tungkulin niya bilang Hammerman na iligtas ang mga nasa panganib, nalagay siya sa alanganin dahil hindi niya puwedeng ipakita ang pagpapalit niya ng anyo sa harap ni Gwen.

Kaya naman si Gwen, siguradong malaki ang tampo sa kanya.

Paano niya kaya lulusutan ito? Kahit pa nga si Hammerman ang nakasagip sa dalaga, si Victor pa rin ang hinanap ni Gwen habang nasa panganib siya.

Jasmine enjoy maging Kapuso

Nakikisabay ang mga netizen sa excitement ni Jasmine Curtis Smith sa kanyang upcoming Kapuso serye na Pamilya Roces. Nasa Instagram highlights ng dalaga ang mga nagaganap sa taping, at halatang nag-e-enjoy siya sa kanyang unang proyekto sa Kapuso Network.

Sa kanya ngang mga pasilip sa script, mukhang siya ang gaganap sa karakter na ‘Pearl’. Excited na kaming malaman kung ano ang magiging takbo ng kuwento dahil ilan lang sa mga makakasama niya ay sina Gloria Diaz, Carla Abellana, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Rocco Nacino, Christian Bautista, Andre Paras, at Manolo Pedrosa. Kabilang din dito ang mga batikang artista na sina Ana Roces, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, at Roi Vinzon.

Yasmien luhaan sa last taping day ng ‘HKKIK’

Naging emosyonal ang cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa last taping day nila dahil sa naging bonding nila na parang isang pamilya. Kanya-kanya sila sa pag-reminisce ng naging experience nila sa serye.

Pero sa kabila ng matinding emosyon, nanaig pa rin ang pagiging kuwela ng mga bida at sumayaw na lang sila para hindi mahalata ang lungkot.

Ang Instagram account nga ni Yasmien Kurdi napuno ng sweet messages mula sa fans ng show na ayaw bumitaw sa seryeng sinubaybayan nila. Pero kagaya ng buong cast ng show, mukha namang mas mananaig ang pag-celebrate ng mga viewer sa pamamayagpag ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa Afternoon Prime!

Talaga naman kasing pinahirapan nito ang katapat na programa sa rating, ‘no! Congrats sa buong cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka!

Kate, Mikee nagpaplastikan?

Palagi mang magkaaway on-screen para sa GMA Telebabad show nila na Onanay, hindi raw naging hadlang ito para lalo pang maging mag-BFF sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Matapos kasi ang una nilang pagsasama noon sa Encantadia, hindi na nga talaga mapaghiwalay ang dalawang Kapuso stars.

Pero dahil daw sa pinakabago nilang GMA Primetime series, mas na­ging malalim ang kanilang pagsasama ngayon dahil sa kanilang mga matitinding eksensa. Friendship goals talagang maituturing ang dalawang ito.

At hindi po sila nagpaplastikan, ha!