Alden, ‘nabastos’, ‘nasaktan’ ng fans

By

Galit na galit, at gusto nang sugurin ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga fans na nanakit, at parang nambastos na rin, sa kanilang mga idolo.

Sa Juan For All, All For Juan portion ng Eat Bulaga, napadpad nga sa isang lugar sa Quezon City last Wednesday ang grupo nina Alden, Maine, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

At gaya ng dati, maraming-maraming tao, dahil residential area nga ‘yon, isang komunidad na sangkatutak ang tao.

At makikita nga na bagama’t may mga security naman sa paligid, pero sa sobrang dami ng tao, parang hindi nakontrol masyado. Kumbaga, lumulusot pa rin ang mga kamay ng mga fans sa paligid, at nakakadikit pa rin sa mga host ng Eat Bulaga.

Sa unang eksena, makikita ang isang babae na may hawak na bimpo/towel na ginagamit niyang pamunas sa pawis niya, dahil sobrang init nga sa paligid. Nagtangka na siyang lumapit kay Alden, na naglalakad, kasama si Maine, pero nasita nga siya ng mga bodyguard o barangay tanod (ba ‘yon?).

Pero, ilang minutes lang, nakalusot pa rin siya, at tuluyang nakadikit kay Alden. Ang towel na hawak niya na pinampunas niya sa pawis niya, ipinamunas din niya sa mukha ni Alden, pero sa bandang gilid lang tumama.

Makikitang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya, at si Alden, wala lang magawa, kundi ipagpatuloy na lang ang paglalakad.

And then, ang kasunod na eksena, parang mas dumami pa ang tao. At again, kahit may mga bantay sa paligid, lumulusot pa rin ang mga kamay sa paligid.

Sa takot ni Alden na may mangyari kay Maine, halos ikulong niya ito sa katawan niya, para maprotektahan lang. Yakap-yakap niya ito, na parang siya na nga ang nagsilbing bodyguard nito.

Pero, makikita nga sa mga photos na naglabasan na parang nasaktan din si Maine sa eksena dahil sa itsura ng mukha niya na takot na takot, pero pinipilit ngumiti.


Anyway, at ‘yun na nga, sa kagustuhan ni Alden na protektahan ang ‘dyowa’ niya, biglang may kamay  na naman na sumulpot sa mukha niya, at buong ningning na kinurot  ang face niya.

Makikita sa mga videos, photos, na nasaktan nga si Alden, dahil ikaw ba naman ang kurutin sa mukha, ‘di ba? Pero, again, wala pa rin siyang nagawa, at ang maprotektahan talaga si Maine ang mas main consideration niya.

Hiling ng mga fans, sana ay mas doblehin ang proteksiyon sa mga artista, lalo na sa mga idolo nilang sina Maine at Alden, na walang kalaban-laban. Okey nga lang daw na lumapit sana sila, pero hanggang shake hands na lang daw sana, at wag na ‘yung mananakit pa.

Paano nga raw kung magsugat ang mukha ni Alden dahil sa kurot  na ‘yon, lalo na kung mahaba pa ang mga kuko?

Kaloka, dahil type sugurin ng mga fans nina Alden at Maine ang mga fans (fans ba talaga?) na ‘yon na nanakit, nambastos sa mga idolo nila.

Pero after that, pagharap sa kamera ng dalawa, kasama sina Wally, Jose at Paolo, parang walang nangyari. The show must go on talaga!

SHARE