Una sa Balita

Alden may ibang kinalolokohan

0 913

abante-talbog-joe-barramedaKahit anong pangba-bash at paninira kay Alden Richards ay hindi ito natitinag. Hindi niya pinapansin ang mga kasiraan na ibinabato sa kanya. Kahit na paulit-ulit pa nilang sabihin na bading ito.

Basta tuloy ang mga trabaho ng Pambansang Bae at mga special project na binibigay sa kanya. Basta matayog pa rin ang tindig ng isang Alden Richards na taas noo kahit kanino.

Siyempre, nag-trending na naman ang guesting niya sa “Daddy’s Gurl” kung saan regular cast si Maine Mendoza. Ibig sabihin ay tuloy pa rin ang pagsuporta ng mga fan sa kanilang dalawa kahit may kanya-kanya na silang buhay.

May pinag-uusapan kami ni Alden na bago niyang nahihiligan o kinababaliwan at mapapasama siya sa mga grupo ng artista na mahilig sa ganitong hobby. Abangan na lang natin.

Jo Berry goodbye TV na after ‘Onanay’?

Sa nalalapit na pagtatapos ng “Onanay” ay mixed emotion ang nararamdaman ni Jo Berry. Magkakahiwalay na nga ang nabuong pamilya sa matagal na panahon nilang pagsasama.

Kaya hindi alam ni Jo kung papaano niya haharapin ang nagbabadyang paghihiwalay ng cast. Hindi rin malinaw sa kanya kung ano ang plano ng GMA sa kanya.

Alam naman natin kung ano ang kakayahan at limitasyon ni Jo Berry. Kaya wait na lang tayo kung may maisip na kuwento ang creative team ng GMA Entertainment na magbibigay ng bagong proyekto kay Jo.

Samantala, nakita natin sa buong “Onanay” teleserye na nag-evolve si Mikee Quintos after “Encantadia.” Lalo siyang nahasa rito sa “Onanay” na gaya ng ibang cast ay natural na natural ang mga arte sa bawat eksena with Ms. Nora Aunor and Cherie Gil.

Maski si Kate Valdez ay ma­galing ang pag-arte bilang isang baguhan. Kaya naman nakatutok ang sambayanan sa “Onanay” gabi-gabi. Magtatapos ito sa Biyernes, na ang papalit ay ang “Sahaya” nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Jinkee, Manny super rampa sa Zurich

Matapos mag-iikot ni Sen. Manny Pacquiao para suportahan ang mga kaibigang kandidato sa pagka-senador ay lumipad ito patu­ngong Zurich, Switzerland kasama ang asawang si Jinkee at ilang staff.

Sa mga Instagram post ni Jinkee ay ini-enjoy niya ang malamig na lugar at siguro pupunta rin sila sa mga Swiss Alps na punong-puno pa ng yelo. Maganda naman ang reception sa kanila ng mga Swiss.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy