Una sa Balita

Alden masarap na karne para sa mga bading

0 851

Nag-fiesta nang husto ang mga fan sa pasilip na bukol ni Alden Richards sa kanyang Instagram. Umabot na sa mahigit 147,000 likes at 5,000 comments ang photo na ‘yon ni Alden.

Nagmistulang buy one/take one ang naging dating ng pagpapasilip ni Alden ng kanyang ka-macho-han. Malinaw ang pagkakakuha ng dalawang photo, lalo na sa pangalawang photo, na hindi lang abs ang ipinakita niya kundi pati na ang kanyang bukol. Marami nga ang nagsabi na daks si Alden, ha!

Napuno ng maraming stars ang comments section ni Alden na humahanga sa ganda ng katawan niya ngayon. Ang ilan sa mga ito ay mga kasamahan pa niya sa Kapuso network tulad nina Lovi Poe, Kakai Bautista, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, at marami pang iba.

Naglaway at nanabik ang mga nagnasa sa waist down part ng “natural resources” ni Alden. Biglang nagmukhang masarap na karne sa paningin ng kanyang mga tagahanga si Alden.

Ang iba ay sumisigaw pa ng “more” na magpasilip pa ng kanyang kaselanan si Alden. Siyempre, hindi naman ito gagawin ni Alden lalo at wholesome ang image niya.

Asahang kakalat sa mga gay sites at group chat ang larawan na ito ni Alden.

Aktres sinusulot ng kalabang istasyon

Posibleng lumipat na rin ng istasyon ang isang mahusay na aktres dahil nasa bakuran na ng ibang network ang isa sa pinakamalapit sa puso niya, at kadugo pa.

Ayon sa isang source, kinakausap na ng mga executive ng network ang kadugo ni aktres para sa posibleng paglipat nito sa kanila. Ayaw makialam ng kadugo nito sa career ng aktres pero kung siya ang masusunod ay mas makakabuti sa aktres na subukan naman ang ibang compound para sa mas ikatatag ng propesyon nito bilang isang aktres at para ma-showcase rin naman niya ang kakayahan niya sa pagkanta.

Sa pagkakaalam namin ay may outstanding contract pa ito sa kasalukuyang pinaglilingkuran network. Pero ayon naman sa source, matagal nang nag-expire ang kontrata nito kaya wala pa itong bagong project.

‘Pag nagkataong totoo at matuloy ang aktres sa kalabang network na pinagtatrabahuhan niya ngayon, dalawa na silang mala-super model ang beauty sa iisang istasyon.

Frankie close pa rin sa ex-BF ni KC

Hindi pa pala tuluyang niligwak sa buhay ng mga Cuneta o Pangilinan ang afam na ex-boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Plassart. Kung si KC ay in-unfollow na sa kanyang social media account ang dating kasintahan, hindi ang kapatid nitong si Frankie Pangilinan.

Makikita sa posting ni Pierre ng manibela ng Ferrari at ng racing car ng nasabing high-end car, ang pagla-like ni Frankie rito. Ibig sabihin, isa pa sa mga follower ni Pierre ang sister ni KC.

Nag-comment pa si Frankie sa larawan ng isang sasakyan sa parehong posting ni Pierre. Hanggang ngayon, malabo pa sa dilim ng gabi ang posibilidad na magkabalikan sina KC at Pierre.

Ellen Adarna type ulit maging hubadera

Nagbabadya na nga ng pagbabalik sa pagpapa-sexy sa social media si Ellen Adarna. Makikita sa pinaka-latest posting niya ang isa sa mga throwback beach photo niya na saksakan talaga siya ng seksi.

Ito ‘yung mga panahong dalaga pa ang katawan ng controversial actress at hindi pa sila nagkakatuluyan ni John Lloyd Cruz. Mababasa sa caption ng post na gustong pumunta ni Ellen sa Bali, Indonesia.

Kaya nga posibleng magpasilip uli ng kanyang mga bikini photo ang dating aktres at ipangalandakan ang kanyang kaseksihan uli. Malalaman ng kanyang mga fan kung nagbago na ba ang hubog ni Ellen o napanatili niya ang kaseksihan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More