Una sa Balita

Alden mas nakakatakam ngayon

0 431

Mas lalong lumakas ang appeal ngayon ng Pambansang Bae na si Alden Richards na posibleng ang isa sa mga rason ay ang lalabas nilang movie ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye”.

Nag-post lang ang Kapuso star ng kanyang video habang nagbubuhat ng mga dumbbell sa kanilang bahay sa Laguna, pumalo na agad sa 300,000 views ito.

Mayroon ding mahigit 1,000 ang nag-comment kabilang na ang celebrity beauty doctor na si Vicki Belo. Kinilig din ang mga supporter ni Alden sa workout video niya.

Ang ibang mga kapwa Kapuso star ni Alden ay hindi nakakuha ng ganito karami na view at comment kahit ipinangangalandakan nila ang kanilang mga abs.
Naka-shirt, jogging pants lang sa video si Alden, pero libo na ang nag-react sa kanyang nasabing post. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy