Una sa Balita

Alden-Maine, pinarangalan ng Alta Media Icon Awards!

By
0 9
Alden Richards at Maine Mendoza
Alden Richards at Maine Mendoza

Umani na naman ng parangal ang phenomenal loveteam nila Alden Richards at Maine Mendoza sa 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help in Las Pinas City.

Ang Alta Media Icon Awards ay nabibigay parangal sa excellence in Print, Broadcast, Film, Recording, Advertising and Social Media.

Most Promising Male and Female Star nga sina Alden at Maine dahil sa phenomenal suc­cess ng Kalyeserye ng Eat Bulaga. Dagdag nga ito sa maraming awards na natanggap na ng AlDub loveteam simula noong maging TV and social media sensation sila noong nakaraang taon.

Ngayon ay matatawag pa silang box-office stars dahil sa huge success ng pelikula nilang Imagine You & Me.

Heto pa ang ibang Kapuso stars na tatanggap ng award mula sa Alta Media Icon Awards:

Best Magazine Show – Kapuso Mo, Jessica Soho; Best Documentary Program – I-Witness; Best Travel Show – Biyahe ni Drew; Best Lifestyle Program – Ang Pinaka.

Best Showbiz-Oriented Talk Show – Mars; Best Comedy Program – Pepito Manaloto; Best Game Show – Celebrity Bluff.

Best Magazine Show Host – Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho); Best Documentary Program Host – Kara David (I-Witness); Best Male TV News Personality – Mike Enriquez (24 Oras).

Best Showbiz-Oriented Talk Show Host – Suzi Entrata-Abrera (Mars); Best Travel Show Host – Drew Arellano (Biyahe ni Drew); Best Lifestyle Program Host – Tonipet Gaba (Pop Talk).

Best Comedy Actress for TV – Carla Abellana (Ismol Family); Best Comedy Actor for TV – Vic Sotto (Vampire Ang Daddy Ko).

Best Female AM Radio Personality – Susan Enriquez (Easy Easy Lang, DZBB Super Radyo 594).