ALDEN-MAINE ‘PAKILIG’ WAGI SA RATINGS!

By

Alden at Maine
Alden at Maine

Patuloy pa rin ang pagiging winner sa ratings ng Kapuso primetime series na Destined To Be Yours dahil sa mga nakakakilig na eksena nina Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza).

Base sa National Urban Philippines people data ng Nielsen Phils. TAM mula April 3 hanggang April 19 (April 9-19 based on overnights), nakakuha ng average rating na 10.7% ang Destined To Be Yours, habang ang katapat nitong programa na My Dear Heart na nakakuha lang ng 9.8%.

At sigurado ngang mas magiging mataas pa ang ratings nito, lalo na nga­yong nagkaayos na rin sina Benjie (Alden) at Sinag (Maine). Sumama nga si Benjie sa company outing ng radio station at sumali pa sa mga games kung saan napipilitan silang maglapit ni Sinag.

Pagdating ni Trish (Thea Tolentino) ay nadatnan niyang magkasama ang dalawa at nalaman niya kay Tala na si Sinag at Sunshine pala ay iisa, bagay na ikinagalit niya.

Patuloy naman ang pangsasabotahe ni Catalina (Ina Feleo) sa pamangkin na si Benjie. Palalabasin niyang sangkot sa korapsyon si Benjie sa kanilang architectura­l firm.

Ano na ang mangyayari sa pagkakaibigan­ nina Sinag at Trish? Kaya bang patawarin na lang basta ni Trish si Sinag? Paano­ patutunayan ni Benjie na hindi siya nangu­ngurakot? Ano nang mangyayari kay Benjie at kay Sinag matapos ang lahat ng ito?

‘Wag palalampasin ang nakakakilig at kaabang-abang na kuwento ng Destined To Be Yours gabi-gabi­­ pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

SHARE