Una sa Balita

Alden, Maine paiinitin ulit ng ‘Eat Bulaga’

0 1,137

abante-talbog-joe-barramedaNatuloy ang annual post-Christmas get-together with press ni Alden Richards na sa kanyang sariling restaurant na Concha’s ginanap. Sa mga post sa social media ng mga kasamahan sa panulat ay ramdam na ramdam ang kasiyahang nadarama nila sa mga sandaling ‘yun.

Nanalo man o natalo sa raffle ay umuwing may mga ngiti sa labi ang makikita mo sa kanila. At iisa ang mga sinasabi nila na papuri sa Pambansang Bae.

Paano ba naman ay matiyagang nag-ikot si Alden sa mga table para pagbigyan lahat na magpa-picture kasama siya o mga selfie nila. Hindi mo makitaan si Alden ng pagkairita o pagkabagot.

Noon pa man ay pangarap na pala ni Alden magkaroon ng restaurant business. Hindi niya akalain na matutupad ito at ngayon ay dalawa na ang branch.

Bukod diyan ay may bubuksan siyang McDonald franchise na malapit sa Perpetual Help sa Laguna. Plano rin niyang magbukas sa sarili niyang siyudad ng Sta. Rosa sa Laguna rin.

Sa pananatili niyang maging humble sa kapwa artista at mga kaibigan ay tuloy-tuloy ang mga blessing na dumadating sa kanya.

Maganda ang relasyon nila ni Maine Mendoza bilang magkaibigan. Kaya naman hindi bumibitaw ang AlDub na laging nasa kanila ang suporta. May narinig kaming chika na maraming plano ang Eat Bulaga para sa dalawa.

Enrico nawala sa ‘Onanay’

Nakabalik na si Mikee Quintos mula sa Florida sa Amerika kung saan nagbakasyon ito. Sa mga post niya ay mukhang nag-enjoy siya sa Sunshine State na parang sa Pilipinas ang klima although medyo lumalamig din pagdating ng Winter.

Noon October ay naroroon kami pero maganda ang panahon. Kitang-kita naman kay Mikee na nag-enjoy siya sa Disney World at mga beaches ng Flo­rida.

Ngayon ay balik “Onanay” taping siya kasama sina Ate Guy at iba pa.

Napansin lang namin na parang nawala sa eksena si Enrico Cuenca na gusto pa naman namin makatsika. Bakit kaya, baka tapos na ang role niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy