Una sa Balita

Alden-Maine muntik magtukaan sa MTB

By
0 106

Hindi lamang sina Alden ­Richards, Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose­ Manalo, Ruby Rod­riguez, Jimmy Santos at Paolo Ballesteros ang may mga special participation sa Meant To Beh dahil may mga cameo role din sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Sina Oyo at Kristine ang mga gumanap na young Vic and Dawn, respectively.

bluer than blue 💙 💄@juansarte 💁🏻@rjdelacruz 👗@stylizedstudio

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Cute ang eksena nina Alden at Maine sa MTB dahil mula sa pagiging magkaaway, nauwi sa lambingan at muntik pa silang magtukaan.

Introducing sa Meant To Beh si Baste na nagpakitang-gilas sa kanyang unang pelikula. Walang mag-iisip na idinikta lang kay Baste ang kanyang mga linya dahil hindi pa siya marunong magbasa ng script pero natural na natural ang pag-arte niya.

Ang Meant To Beh ang pelikula na puwede at dapat na sama-samang panoorin ng buong pamilya dahil sa mga aral na mapupulot tungkol sa relasyon at pagmamahalan ng mga tao na nag-aakala na hindi sila compatible sa isa’t isa.

Lovelife ni Gabbi isi-share sa online

Gabbi Garcia

Ang premiere ng Meant To Beh at ang presscon ng GMA ONE Online Exclusives ang mga event na pinuntahan ni Gabbi Garcia noong Miyerkoles. Si Gabbi ang gumanap na isa sa tatlong anak nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa Meant To Beh at siya ang host ng #Goals with Gabbi Garcia sa GMA ONE Online Exclusives na mapapanood sa YouTube Channel ng GMA 7 simula sa January 1, 2018, 5 pm.

Sinabi ni Gabbi sa press launch ng #Goals with Gabbi Garcia na relatable sa mga kabataan ang kanyang YouTube program dahil tungkol ito sa beauty, style, makeup, travel at music goals.

“Of course, meron tayong mga high school problems, I would like to share also my personal experiences, personal learnings when it comes to that (lovelife). I’m a millennial also, I’m a teenager like them so most probably more on kuwentuhan for my show.

“I feel so positive ‘coz it’s easier to speak up your mind especially on social media nowadays­ and I feel like the privilege online is equally distributed to everybody and I’m very privileged to be able to share my thoughts and our content to social media people,” ang sabi­ ni Gabbi tungkol sa show niya sa YouTube Channel ng GMA Network Inc.

Morong na-pressure

Dahil laganap ngayon ang fake news, timely ang Fact or Fake with Joseph Morong, ang show ni Joseph Morong sa GMA ONE Online Exclusives.

Isa sa mga brightest­ reporter ng Kapuso Network si Joseph kaya marami ang natuwa nang bigyan siya ng sariling programa sa online channel ng GMA 7.

“We just shot our first episode two days ago but we spent a lot of time editing with the bosses. It’s really tough,” ang paha­yag ni Joseph na hindi itinanggi na nakaramdam siya ng pressure dahil kontrobersiyal ang mga topic na ilalahad niya sa Fact or Fake.

“GMA is going to be joining the fray on the subject of fake news. We’re a major media network, alam n’yo naman ang criticisms sa mainstream, even the context, we really have to be sure about what we’re going to put out,” ani Joseph.