Una sa Balita

Alden, Maine movie sigaw ng AlDub Nation

0 465

abante-i-know-better-jun-nardoNataranta na naman ang AlDub Nation nang ipasilip ang teaser ng bagong TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isang food chain.

Sa totoo lang, hindi pa nga umeere ang commercial eh, sumugod na sa Twitter ang ADN para isabog ang balita. 

Itinaon pa sa 159th weeksary ng AlDub loveteam ang paglabas nito kahapon kaya nagbubunyi talaga ang fans nina Alden at Meng.

Abante Hiring – IT dep

Ang nasabing food chain ang unang naka-jackpot na pagsamahin sa isang TVC ang loveteam. That time eh, hindi pa nagkikita ang dalawa sa Kalyeserye ng Bulaga.

Now, nandiyan pa ang food chain na naniniwala pa rin sa power ng AlDub loveteam mula noon hanggang ngayon. 

Bilang pasasalamat naman, pina-trending ng ADN ang commercial na as of this writing ay me­ron nang almost 400k tweet ang gamit na hashtag at number one sa trending topics sa Twitter PH.

Sa pagsulpot ng TVC nina Alden at Maine, push pa more ang ADN nang sa gayon ay mabigyan ng kahilingan nilang isang pelikula ang gawin nila, huh!

Ai-Ai sariling sikap sa ‘School Service’

Sariling sikap si Ai-Ai delas Alas sa pagbabalita ng showing ng Cinemalaya movie niyang School Service. Ngayong araw ang simula ng indie festival pero kulang na kulang ang publisidad ng festival na dati ay inaaba­ngan ng manonood.

Ngayon, ginawang daan ang social media upang i-promote ang entry nila. Siyempre, walang kasiguraduhan na porke maingay sa socmed ay tatangkilikin na ang pelikula, huh!

Heto si Ai-Ai na may entry. Natuwa naman siya dahil ang August 4 screening sa CCP ay sold-out na. Then sa Sunday, may gala preem ng mo­vie sa CCP Main Theater.

Nagpatulong siya sa kanyang mga endorsement para sa ipamimigay at pagkain bago ang scree­ning.

Indie man o mainstream ang movie ng Comedy Queen, may personal siyang contribution upang magkaroon ng publisidad ang movie niya.

Siyempre, sinasamahan din ni Ai-Ai ng dasal ang bawat proyekong dumarating sa kanya.

Hindi kasi ang tipo ni Ai ang basta na lang ipinauubaya sa mga producer ang publicity and promotions ng movie niya, huh!