Una sa Balita

Alden-Maine movie, naka-P400M na!

By
0 149

Maraming dahilan kung bakit nagpapasalamat sa Diyos si Pambansang Bae araw-araw dahil sa mga sunud-sunod na blessings na muling dumarating sa kanya at sa loveteam nila ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bukod sa showing pa rin on its third week ang pelikula nila ni Maine na Imagine You & Me (na balitang pumasok na sa higit na P400 million ang kinita sa box-office), sunud-sunod din ang mga gagawin na concerts ni Alden sa iba’t ibang bansa tulad ng Singapore, London at U.S.; mabenta ang kanyang nilabas na libro, may bago siyang ginagawang album at kaka-launch lang ng kanyang sariling perfume line.

Mabilis nga raw na na-sold out ang signature perfume ni Alden noong grand launch nito kamakailan. Kaya naman nagpasalamat si Alden sa lahat ng mga bumili at bibili pa ng kanyang perfume.

“To all the supporters po, to all the fans po who came for this launch, maraming salamat po,” ngiti pa ni Alden Richards.

Mikee, todo-suporta sa Pinoy athletes sa Rio Olympics!

Sobra-sobra ang suporta ni Mikee Cojuangco-Jaworski sa mga Filipino athletes na handa nang makipag-compete sa nalalapit na Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil. Binisita nga ni Mikee ang mga Pinoy athletes sa Athletes Village in Rio para pala­kasin pa ang loob nila.

Si Mikee ang representative ng International Olympic Committee sa Pilipinas. Kabilang sa mga athletes na magku-compete ay ang boxers na sina Ro­gen Ladon and Charly Suarez, ang weightlifters na sina Nestor Colonia and Hidilyn Diaz; table tennis’ Ian Lariba, swimmer Jessie Khing Lacuna at iba pa.

Mensahe pa ni Mikee: “Make our country proud.

“To qualify to the Olympics is already an achievement.

“That’s why I’m proud of them. Everyone here is competitive and everyone wants to do their best. I hope their preparations for these Olympics are enough.”

 Pinaalala rin ni Mikee na since 1996 ay hindi pa ulit nag-uuwi ang Pinoy ng medalya mula sa Olympic Games.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy