Una sa Balita

Alden-Maine, may big surprise sa fans ngayong July!

By
0 152

Mapapanood ngayong umaga,10:30 am, ang sneak-peek sa mga eksena ng Imagine You & Me, ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na ipalalabas sa mga sinehan sa July 13.

Ang Imagine You & Me ang 1st anniversary offering ng phenomenal AlDub loveteam na aksidente na nabuo  noong July 16, 2015 dahil hindi sinasadya na nahuli at nakunan ng kamera na kinikilig si Maine kay Alden.

Ang naturang eksena ang naging simula ng successful kalyeserye ng Eat Bulaga at nagpabago sa dating tahimik at simple na pamumuhay nina Alden at Maine.

Kinunan sa Italy ang mga eksena ng Imagine You & Me at natapos lamang ang shooting nito, ilang araw bago ginanap noong July 1 ang grand presscon.

Sa darating na linggo, hindi lamang ang pelikula nila ang handog nina Alden at Maine dahil may good news at malaking sorpresa sila para sa kanilang loyal fans.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More