Una sa Balita

Alden-Maine, mas naging ‘super-close’ sa Morocco!

By
0 167

Isa sa hindi malilimutan na experience ni Pambansang Bae Alden Richards ay ang pagpunta nila ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa bansang Morocco.

Lumipad ang phenomenal loveteam sa naturang bansa para sa isang exclusive na photo shoot for MEGA magazine.

First time pareho nina Alden at Maine sa Morocco at kahit ilang araw lang sila roon, sobra raw silang namangha sa magagandang tanawin ng natu­rang bansa.

“It was a once-in-a-lifetime experience.
“It’s a fun experience to be in North Africa for a shoot.
“It’s my first time in Morocco, and the experience was really worthwhile.

“The architecture, the structure, ibang-iba talaga from the places that we’ve been,” kuwento ni Alden.

At hindi raw basta-basta ang naging pictorial nila ni Maine sa Morocco.

“It’s an out-of-the-box magazine shoot for us, and we’re very excited for the cover and the content of the magazine,” sey pa niya.

Tulad nga noong pumunta sila ni Maine sa Italy para sa shooting ng blockbuster hit na Imagine You & Me, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon na mag-solo silang dalawa sa Morocco.

“It’s a different experience when you’re going abroad.
“Parang you develop a certain level of trust, a certain level of closeness.
“You get to spend time together. We continue to learn with and about each other.

“Every trip that we have, hindi kami natatapos may matutuhan sa isa’t isa,” ngiti pa niya.

Noong nakaraang Sunday ay nagkaroon ng official launch ang libro ni Alden na Alden Richards: In My Own Words.

Sa naturang libro mababasa ang maraming kuwento tungkol sa buhay ni Alden tulad ng pangarap niyang maging piloto, ang pagsali niya sa mga male beauty pageants, pag-audition niya sa mga commercials at TV shows, ang dream ng yumao niyang ina na maging bida siya sana sa MariMar at siyempre, ang matagum­pay na relasyon niya sa kanyang loveteam na si Maine Mendoza sa harap at likod ng kamera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy