Una sa Balita

Alden-Maine, iniregalo sa nanay ni Regine

By ,
0 4

Ibang klase kung magbigay ng surprise ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang ina noong kaarawan nito.

Bilang big fan si Mommy Teresita Velasquez ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, sila ang naging regalo ni Regine sa 70th birthday nito na ginawa sa show niyang Sarap Diva.

Matagal nang kinukuwento ni Regine na kinikilig ang mommy niya kapag nakakapanood ito ng Kalyeserye noon kunsaan sumikat ang AlDub loveteam.

Noong magkaroon ng teleserye ang dalawa na Destined To Be Yours, gabi-gabing tumututok ito at nakikita ni Regine na kinikilig ito kapag magkaeksena na ang dalawa.

Wish daw parati ni Mommy Teresita na makilala niya nang personal ang dalawa.

Kaya gumawa ng paraan si Regine na maging special ang birthday ng kanyang ina at matupad ang birthday wish nito na makasama sina Alden at Maine.

Despite the tight schedule ng dalawa, pinagbigyan nina Alden at Maine ang kahilingan ni Mommy Teresita na mabati at makasama ito sa 70th birthday nito sa show ni Regine.