Una sa Balita

Alden-Maine, ayaw lagyan ng ‘label’ ang relasyon!

By
Alden Richards at Maine Mendoza
0 2

Paano nga ba manligaw si Alden Richards? Gusto ngang malaman ng fans ng mga bida ng pelikulang Imagine You & Me, kung ano ang ginawa ni Alden para magtiwala sa kanya ang ka-loveteam nito na si Maine Mendoza.

“Ako kasi I’m very practical when it comes to everything. ‘Yun kasing ligaw, it’s an action in which you want to parang get into a serious relationship.

“Ako nagpapaka-totoo lang ako.

Kumbaga, kung saan ako masaya, kung saan masaya si Maine, ‘yun lang ‘yung lagi naming ginagawa,” sabi ni Alden.

Pagdating naman sa pag-label sa kanilang relasyon ni Maine, hindi na raw importante iyon.

“I really don’t get bakit gustong-gusto ng taong makarinig ng labels, girlfriend, boyfriend, kung sila na.

“Kami, masaya kami ngayon with what we have.

“We don’t need to parang say something for the people to see that we’re not happier than what we are now.

It’s just us,” diin niya.

So sa tanong kung sila na ba talaga ni Maine, heto ang sagot ng Pambansang Bae…

“Kahit sinong tao naman, kapag meron kang palaging nakakasama, araw-araw lagi mong nakakausap, talagang may tendency na maging sobrang close talaga.

‘Yun kami ngayon ni Maine.

“Kasi ‘yung relationship po namin ngayon, masaya kasi masaya kami,” sey pa ni Alden.