Una sa Balita

Alden-Maine, 3 days lang sa Morocco!

By
0 169

Marami ang nagkagusto sa bagong hairstyle ni Kalyeserye Queen na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Naka-layered bangs ngayon ito at marami ang hindi siya nakilala noong unang lumabas ang mga photos niya sa social media.

Ang celebrity hairstylist at anak ni APT Entertainment President and CEO Antonio Tuviera na si Celeste Tuviera of Symmetria Salon ang nag-makeover ng buhok ni Maine.

“She bangs! Thank you, madam @celestetuviera,” post pa ni Maine sa kanyang Instagram account.

Ang change of hairstyle ni Maine ay para sa gagawing photo shoot nila ng kanyang ka-loveteam na si Pambansang Bae Alden Richards sa bansang Morocco. Para ito sa isang glossy magazine at ang background nila ay ang magandang tanawin ng Morocco.

Within this week na ang lipad ng dalawa for Morocco at tatlong araw lang sila roon. Babalik sila agad dahil maraming naghihintay na trabaho sa kanila, kasama na roon ang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Anyway, tuwang-tuwa naman ang AlDub Nation kay Angel Locsin, dahil sa comment nito na ‘PRETTY’ si Maine sa picture na `yon. Abot-abot nga ang pasasalamat ng AlDub fans kay Angel.

Supermodel Gisele, eksenador sa Rio Olympics!

Kinabog ng supermodel na si Gisele Bundchen ang lahat ng na­ging opening ceremony ng Olympic Games dahil sa kanyang pagrampa sa pagbubukas ng 2016 Rio Olympics sa kanyang hometown in Brazil.

Rumampa ang highest-paid model in the world sa bossa nova jazz classic na “The Girl From Ipanema” suot ang gown na gawa ng Brazilian designer na si Alexandre Herchcovitch.

Mula sa dilim ay biglang lumitaw ang Brazilian supermodel suot ang isang floor length gown na kumikislap with gold sequins. Sa background ni Gisele ang napakagandang skyline ng Brazil.

“Gisele knows exactly what looks good on her and what doesn’t, which makes the job much more objective and accurate.

“She was always present in the process. She gave important opinions, and we thought about the parts together. She made some important changes.

“Part of my creative process and development is to listen and adjust creations so she is satisfied,” kuwento pa ni Herchcovitch tungkol sa paggawa ng gown ni Gisele.

Higit na 11,000 athletes from 206 countries ang nakasaksi sa pagrampa ni Gisele bilang pagbukas ng 2016 Rio Olympics.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy