Una sa Balita

Alden lilipad sa Kia Theatre ngayong gabi

By
0 125

Ngayong gabi na sa KIA Theater ang Adrenaline Rush concert ng Pambansang Bae na si Alden Richards at the same time, sa concert din niya unang ilo-launch ang bago niyang album under GMA Records na ‘Until I See You Again.’

Sabi ni Alden, marami siyang mga pasabog ngayon sa concert. May mga taas-taas o lipad-lipad daw so, isa ito kami sa naku-curious na makita. At kung paano rin i-incorporate ang Super Hero character niya na si Hammerman sa Victor Magtanggol.

The past few days nga ay naging abala na si Alden sa mga rehearsals kahit na tuloy-tuloy ito sa pagte-taping ng kanyang primetime series. Gusto talaga ni Alden na may maipakitang bago at talagang masiyahan ang mga fan niya na manonood ng concert niya ngayong gabi.