Una sa Balita

Alden, Ken, Dennis super patok sa Thailand

0 296

Nagkalat sa social media ang mga photo nina Alden Richards, Ken Chan at Dennis Trillo, na pinagkakaguluhan sa Thailand. Dumalo nga kasi ang tatlo sa isang major event ng Thai media content company na JKN Global Media.

Special guests silang tatlo sa nasabing event dahil sila ang bida sa mga Philippine TV drama na isho-showcase doon.

Nauna nang napanood ng Thai viewers ang “My Faithful Husband” ni Dennis at “Destiny Rose” ni Ken. At malapit na ring ipalabas doon ang isa pang serye ni Ken na “Meant To Be”. At siyempre ang pinagbibidahan ni Alden na “Destined To Be Yours” with Maine Mendoza.

Maraming Thai fans nga ang kinilig sa kaguwapuhan ng tatlong aktor.

Janine, Rocco, Mark nanguna sa Palarong Pinoy sa Dubai

Napasabak sina Mike Tan, Kristoffer Martin, Andre Paras, Mikael Daez, Derrick Monasterio, Rocco Nacino, at Mark Herras sa intense na laban ng basketball kahapon (September 20) kasama ang mga Pinoy sa Dubai para sa “#TrendingPinoy Congen’s Cup Kapuso All-Star Basketball Game” na ginanap sa Shabab Al Ahli Sports Club!

Nakasama rin nila si Janine Gutierrez as their muse. Well, talagang nakipagsabayan sila sa galing ng mga Pinoy sa Dubai sa basketball. Bukod sa basketball, makikisaya rin sina Janine, Rocco at Mark sa Summer Kapuso Festival 2019 featuring Palarong Pinoy 2019 na gaganapin naman ngayon, September 21, sa China Mall, Umm Al Quwain. Para sa mga Pinoy na nasa Dubai, must watch ito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy