Una sa Balita

Alden, Kathryn binawalang magpunta sa Hong Kong

0 384

abante-i-know-better-jun-nardoWalang urungan ang mga screening sa Hong Kong ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie sa August 18 and 25, ayon sa paglilinaw ng Star Cinema na inilabas sa Twitter ni MJ Felipe.

Ang nakansela lang ay ang pagbisita ng mga artista sa HK ayon kay MJ. Saad pa niya, “Screenings will push through.”

Siyempre, ang kasalukuyang protesta sa Hong Kong ang rason kaya hindi makakapunta ang mga artista. Sa ngayon, kaliwa’t kanan ang kanselasyon ng flights mula sa iba’t ibang airlines.

Mahirap nga namang magkaroon ng aberya at baka maapektuhan pa ang showbiz commitments nila, huh!

Aiko ikinatuwa ang tandem kay Wendell

Ipinagdasal ni Aiko Melendez na magkaroon ng project na gusto niya matapos ang pagtulong sa kampanya ng boyfriend na si Jay Khonghun na pinalad manalo bilang Vice Governor ng Zambales.

“Actually, sign ang hinihingi ko noon. ‘Pag pinayagan ako ng GMA na magbakasyon muna sa States at gusto pa rin nila ako, ibig sabihin para sa akin.

“Ang bait ng GMA. Pinagbakasyon nila ako ng dalawang linggo to take a break. Kaya nandito ako ngayon. Salamat mga boss ko!” pahayag ni Aiko sa mediacon ng bagong Kapuso series na “Prima Donnas”.

Kontrabidang-kontrabida ang character ni Aiko bilang si Kendra.

“I think si Direk Gina (Alajar) nu’ng nagdi-discuss po kami, always naman po na every time na gagawa ako ng kontrabida role, gusto ko pong pinapakita ang back story kung bakit ako nagkaganito.

“In the long run ng soap ko maaawa rin kayo sa akin,” sey ng aktres.

Ikinatuwa rin ni Aiko ang muli nilang pasasama ni Wendell Ramos na nakasama rin niya sa isang series sa kabilang istasyon noon.

Bida nga pala bilang Prima Donnas ang teen stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na pahihirapan nang husto ni Aiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy