Una sa Balita

Alden, Kathryn 1-buwan magsasama sa Hong Kong

0 789

abante-talbog-joe-barramedaMukhang all system go na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards­ at Kathryn Bernardo na sa Hong Kong kukunan ng isang buwan.

Ang nakarating na balita sa akin ay April 7 ang start ng shooting. Kaya mawawala si Alden ng isang buwan for the said shooting under Star Cinema.
Good luck to all of you.

 

 

Bianca, Miguel hindi halatang wasak na ang relasyon

Pinatunayan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na hindi nagbago ang working habit at tandem nila bilang love team sa “Sahaya” na magsisimulang umere sa Lunes, March 18 sa GMA after ng “Kara Mia.”

Kahit nasira ang relasyon nila (bilang magdyowa) ay ipinamalas nila ang pagiging professional para sa mga fan nila na ilang taon ding sumusuporta sa kanila.

Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung hanggang kailan nila ka­yang magpaligaya bilang BiGuel.

Hindi na namin kaila­ngang banggitin kung sino ang kani-kanilang karelasyon ngayon, dahil very cooperative naman ang dalawa sa bagong serye na “Sahaya” na magpapaligaya sa mga fan nila.

Zoren ayaw pang magkadyowa ang mga anak

Hindi pa pala pinapayagan ni Zoren Legaspi na magkasyota ang kambal nilang anak ni Carmina Villaroel. Maski sa pag-aartista ay kailangang si Zoren ang director nila. Hindi raw sanay ang kambal na sinisigaw-sigawan sila ng director at baka ma-shock ang dalawa ‘pag nangyari ‘yon.

Hindi pa raw kasi exposed ang kambal sa kalakaran ng mga taping na nagsisisigaw ang director. Sanay ang dalawa sa tahimik na pamumuhay.

Kasama rin si Zoren sa “Sahaya.”

Salamat Ben

Gusto naming pasalamatan sina Ben Chan, Jojo Liamson at mga staff nila sa warm reception na ibinigay sa amin nu’ng bumisita kami sa Bench Tower last Friday. First time namin nakaharap ang boss ng Bench na siyang dahilan sa success ng Bench at subsidiaries nila na patuloy pa rin ang pag-unlad.

Again maraming salamat po.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy