Una sa Balita

Alden ka-level na nina Ji Chang Wook, Jang Na-ra

0 743

Na-feature si ­Alden Richards sa Korean pop culture site na Soompi habang  siya ay nasa South Korea para dumalo sa 2019 Seoul Drama Awards at pinarangalan­ ng Asian Star Prize.

Naglabas ng coverage­ ang nasabing site ng awards night at sa pictures na ginamit, nakasama ni Alden ang ilang personalidad sa SK tulad nina Ji Chang Wook, Jang Na-ra, Joo Woo-jaer at iba pa.

Maiksi man ang pananatili­ ng ­Pambansang Bae sa Seoul, sulit­ na sulit ­naman ang feelings niya at nangakong babalik.

Samantala, inilabas na ng Kapuso network ang teaser ng coming series ni Alden na “The Gift.” Ngayong buwan ito mapapanood.

Julie Anne, Rayver ipinalit kay Regine sa ‘The Clash’

Si Julie Anne San Jose muna ang ­makakapiling nang madalas ni Rayver Cruz kapag nagsimula ang telecast ng bagong season ng “The Clash.”

Yes, sina Julie Anne at Rayver ang mga napiling host ng Kapuso ­sing­ing­ competition bilang kapalit­ ni Regine ­Velasquez. Magsisilbi namang journey hosts ang Rit-Ken love team nina Rita Daniela at Ken Chan.

On-going pa rin ang pagpili ng ­sasabak na contenders sa “The Clash” pero ­pagdating sa judges, wala pang ­inaanunsyo ang GMA, na ­unang pinape­lan nina Christian ­Bautista, Lani ­Misalucha at Ai Ai delas Alas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy