Una sa Balita

Alden, Julie Anne ‘di pa rin nag-uusap

0 570

Malamig ang Pasko ni Julie Anne San Jose, dahil bukod sa wala ­siyang dyowa, ay pupunta pa sila ng kanyang pamilya sa Japan para roon magdiwang. Sa December 19 raw sila aalis.

Siyempre, napag-usapan din si Alden Richards, at tanong nga kay Julie ay kung may pag-asa ba na siya ang pumalit kay Maine Mendoza bilang bagong ka-tandem ng aktor.

“I don’t think may kailangan akong palitan kasi ang lakas po nina Maine and Alden ­together,” sabi ni Julie.

Hindi rin daw sila masyadong nagkaka-communicate ni Alden, kahit sa text. Anyway, si Julie Anne ang bagong endorser ng Lee Jeans. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy