Una sa Balita

Alden, John, Andrea binulabog ang Laguna

0 884

abante-talbog-joe-barramedaExtraordinary at unforgettable talaga ang naging weekend ng ilan nating Kapuso fans at viewers na nasa iba’t ibang dako ng bansa. Isang pasabog weekend kasi ang hinatid sa kanila ng iba’t ibang GMA stars na talagang iniidolo nila.

Pinangunahan ni Pambansang Bae Alden Richards ang cast ng Victor Magtanggol na nakisaya sa 23rd anniversary ng isang theme park sa Laguna noong Sabado ng gabi. Balita namin, hindi magkamayaw ang mga tao roon nang lumabas sina John Estrada, Pancho Magno, Yuan Francisco at Andrea Torres para mag-perform. Spotted din sa nasabing event ang cast ng Onanay na sina Jo Berry, Kate Valdez, Sofia Pablo, Jenzel Angeles at Eunice Lagusad.

Kasama rin nila na naghatid ng kasiyahan ang nakaka-inlove na cast ng Asawa Ko, Karibal Ko na sina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz.

Samantala, jampacked naman ang SM City Bacolod at Robinsons Place Bacolod dahil sa mga sumalubong sa mga bida ng upcoming GMA series na Cain At Abel na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Solenn Heussaff, Sanya Lopez at Kapuso Drama King Dennis Trillo na siyang nakisaya sa MassKara Festival sa Bacolod. Present din doon ang tandem nina Carla Abellana at Rocco Nacino ng Pamilya Roces.

At hindi rin naman nagpahuli ang Asawa Ko, Karibal Ko stars na sina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz nang magperform sila ng kani-kanilang song and dance numbers sa lahat ng Kapusong Negrense.

Ayon sa mga pictures na kumakalat online, hindi pasidlan ang kasiyahan ng bawat tao roon na nakipagsiksikan talaga sa mga malls para lang makita ang kanilang mga idolo. Bumuhos ng palakpakan at hiyawan mula sa mga fans at supporters ang mga mall shows na ito noong weekend. Saan naman kaya ang susunod na destinasyon ng ating mga paboritong Kapuso stars? Abangan!

 

Mavy, Cassy panalo sa mga millennial

Patuloy ang paghatak sa mga millennial at ‘millennial at heart’ ng pinakabagong music tambayan ng GMA na Studio 7 tuwing Linggo ng gabi. Kaya naman dalawang magkasunod na linggo na itong namamayagpag sa TV ratings game.

Kumpletos rekados na raw kasi ang inihahain nito sa bawat episode dahil sa kantahan, sayawan at comedy.

Idagdag mo pa ang nakakaaliw na interaction na ginagawa ng hosts kasama ang mga Kapuso audience, ha? All-in-one na talaga, ‘di ba?

Panalo para sa mga manunuod ang fresh faces nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista at Mark Bautista at ang samahan nina Golden Cañedo, Jong Madaliday, Josh Adornado, Garrett Bolden at Mirriam Manalo na hindi lang pagbirit ang nagagawa kundi pag-indak din sa dance floor kasama sina Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Kate Valdez, Mikee Quintos, Kyline Alcantara Paul Salas, at Bianca Umali.

Pero waging-wagi sa mga millennial ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, sina Mavy at Cassy, dahil parehong mahusay mag-host at magsayaw ang dalawa, ha!

 

Golden ng Cebu kinabog ang ‘MMK’

Aba umarte na rin si Golden Cañedo, huh. Mas lalong hinangaan ang kauna-unahang The Clash champion na si Golden dahil bukod sa pagkanta, ipinakita nitong may ‘k’ din siya sa pag-arte.

Pinatunayan ito ni Golden sa pagbida sa life story niya sa Magpakailanman noong Sabado. Sinabayan niya ang nakakaantig na akting ng 90’s loveteam na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews bilang mga magulang niya. Ayon sa Instagram posts ni Golden, one for the books ang experience niyang ito dahil kay Angelu na itinuturing­ na niyang mentor.

Sa katunayan, nagkaroon sila ng magandang bonding kung saan naging daan para regaluhan ni Angelu ng taping chair si Golden. Mukhang maganda ang naging working relationship ng dalawa.

At talagang pang-champion si Gol­den, ha, dahil balita namin tinutukan ng mga viewers ang panalong-panalo niyang performance kumpara sa kalaban nitong programa ng ABS-CBN. Waging-wagi si Golden sa Kapuso viewers dahil ang life story niya ang inabangan noong Sabado.

 

‘Onanay’ kinagigiliwan sa SanFo

Small but terrible talaga si Jo Berry dahil timeout muna sa heavy drama ang Onanay lead star sa pagbisita niya sa tahanan ni Pepito Manaloto (Michael V.) noong Sabado ng gabi. Isang bagay ang pinatunayan ni Jo—kaya rin niyang makipagsabayan sa comedy. Hindi kasi siya nagpahuli kina Bitoy at John Feir sa hamon nito na ubusin ang isang siopao na tila mas malaki pa sa kanya.

Marami ang pumuri sa natural na pag-arteng ito ni Jo, ha! In fact, waging-wagi ang episode nilang ito kumpara sa katapat na programa sa kabilang istasyon.

Karamihan din sa nabasa naming comment ay sana raw isama na rin sa barkadahan ng Pepito Manaloto ang Kapuso star. Mangyari kaya ito? Abangan na lang natin ‘yan sa kuwento ng Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi sa GMA.

Speaking of Onanay, dito lang sa San Francisco sa California kung saan maraming Kapuso viewers ang naaliw din kay Jo Berry na nalaman namin na apo ng old friend namin dito si Enrico Cuenca. Si Enrico ay dating naka-base sa San Francisco ay mula sa buena pamilya at hindi ito naging hadlang sa ambisyong maging artista bagkus sinuportahan pa ng kanyang pamilya.

Dito rin naka-base ang kanyang mga kapatid at sa mga Lola niya nakatira diyan sa Pilipinas. Matagal namin nakakuwentuhan ang Lola niyang si PY from her mother’s side na very proud sa apo niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy