Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden inspirasyon ng namatay na lola

0 442

May isang babaeng senior na maituturing na super fan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Tinatawag itong “nana” ng isang lawyer na mukhang malapit o kilala rin ni Alden.

Ibinahagi ng lawyer ang isa sa mga huli o maaaring huling request ng senior fan ni Alden sa huling dalawang oras ng buhay nito bago mamatay noong January 15.

‘Yun nga lang, hindi nito nakuha ang huling wish dahil nahiya ang lawyer na abalahin si Alden.

Aniya, “Nana was a big fan of @aldenrichards02. Candidly around 10PM of Jan. 14, Nana asked me baka pwede niyang makausap si Alden. Tawagan ko daw. I said yes, but I did not call Alden kasi gabi na at nakakahiya. She died 2 hours later. 12:56 AM of Jan. 15.”

Nakarating kay Alden ang nangyari at nagpadala ito ng bulaklak na pinasalamatan nang husto ng pamilya.

Sa tabi ng coffin o ataul ni Nana, may naka-display na pina-frame na article kunsaan, nandoon ang larawan nito kasama si Alden at sa frame ay may message at pirma ng kanyang idolo.

Maraming na-touch sa pagmamahal ng namayapang matanda kay Alden. Kahit daw hindi ito personal na nakapagpaalam sa paborito niyang artista, siguradong masaya ito dahil sa atensiyon na natatanggap mula mismo kay Alden.

***

Pinuri ng mga fan: Juancho tinapos pag-aaral

Marami ang natuwa at nag-congratulate sa Kapuso actor na si Juancho Trivino.

Ipinost nito ang kanyang graduation picture kunsaan, nagtapos si Juancho ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa La Salle.

Tinupad ni Juancho ang pangako niya sa mga magulang na kahit mag-aasawa siya ay magtatapos siya ng Kolehiyo.

Sabi ni Juancho, “I became a working student going to class with no sleep and drinking vendo coffee to keep me awake and balance my sheets. Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na galing Pangasinan dederecho ako sa school galing Unang Hirit, at kung late na late na, nag aankas ako.

“After 12 years, natapos din, kahit via zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting.”

Sey pa rin niya, “I also want to encourage others, there’s always rainbow after the rain. It might not be the ideal time for me but God has his perfect time for us.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.