Una sa Balita

ALDEN, HIRAP NA HIRAP SA TORTURE SCENE!

0 7

Mapapanood na ­ngayong Linggo, (Sept. 17) ang Ala­ala: A Martial Law Special, na ­handog ng GMA Public Affairs, kung saan ga­gam­panan ni Alden Richards ang buhay ng Martial Law activist at award-winning screenwriter na si Bonifacio “Boni” Ilagan.

45 na taon matapos ideklara ang Batas Militar ni dating Pres. Ferdinand Marcos, ang mga biktima ng human rights abuses ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya. At ang ilang taon sa ilalim ng Batas Militar ay tila limot na.

Sa tantya ng mga organisasyong sumusulong ng karapatang pantao, sa ilalim ng noon ay Martial Law, 70,000 ang mga nakulong. 34,000 ang nakaranas ng torture. 3,240 ang mga pinatay. 884 ang pwersahang nawala kung saan hanggang ngayon, 612 ang hindi pa rin natatagpuan.

Ang Alaala: A Martial Law Special ay isang pelikula sa loob ng isang dokumentaryo. Susundan nito si Boni, na ipinangalan kay Andres ­Bonifacio. Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalaunan ay ­dinakip at tinorture. Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasa-pelikula at gagampanan ni Alden.

Challenging para kay Alden ang pagganap niya bilang nakababatang si Boni.

“Physically, psychologically, emotionally, mentally — mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured in any of my roles when I was doing projects with soaps and movies,” ayon pa kay Alden.

Bibida rin sa pelikula sina Gina Alajar, bilang ina ni Boni; Bianca ­Umali, bilang kapatid ni Boni na si Rizalina; at si Rocco Nacino bilang kaibigan ni Boni na si Pete Lacaba.

Sa kanyang paghahanda para sa role, nadiskubre ni Rocco na kamag-anak niya pala ang award-winning writer.

“[Sir Pete] came to me, saying, ‘Hey you know what I’m your mom’s second cousin.’ So that night halos hindi ako makatulog. Nag-research ako, I called up my mom and then na-confirm na kamag-anak ko pala si Sir Pete. It makes everything more meaningful at mas malalim para sa akin,” salaysay ni Rocco.

Mapapanood ang Alaala: A Martial Law Special ngayong Linggo (Sept. 17) sa SNBO sa GMA-7.