Una sa Balita

Alden hindi makapag-taping sa Divisoria

0 586

Dinadagsa:

abante-talbog-joe-barramedaIsang panibagong challenging role ang gagampanan ni Alden Richards sa kanyang upcoming GMA series na “The Gift”. Bulag nga kasi ang role niya rito.

At sa kabila ng kanyang kondisyon, maghahatid siya ng inspirasyon at magdudulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Wish ni Alden na, “Sana itong ‘The Gift’ will give them inspiration na kahit na bulag, kahit na walang paningin, the losing of sight puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao.”

Sa gitna ng kasikatan ni Alden, dahil sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” ay lalo siyang nai-inspire sa kanyang trabaho sa lahat ng bagay bilang pasasa­lamat sa sobrang success ng kanyang career.

Pero teka, gaano katotoo na magpapalit sila ng lokasyon ng taping dahil sa rami ng tao sa Divisoria sa tuwing magte-taping sila roon? Hindi na raw makontrol ang crowd doon at talagang nahihirapan silang gumalaw tuwing may taping.

Kailan lang ay somewhere in QC na sila nag-location sa hindi gaanong matao. Aba, ma­laking abala nga naman ang ganu’n, lalo na kung may hinahabol na silang timeslot, o playdate ng pag-eere nila.

Snooky gustong ipapatay

Mukhang nalalapit na ang pagtatapos ng “Sahaya” na marami na ang tumututok ayon sa rating nito ngayon. Isang palaban na Sahaya na nga ang napapanood natin.

Wala ngang takot na sinampal ni Bianca (Sahaya) si Salida (Snooky Serna). Lalo ngang naantig ang puso namin sa akting ni Bianca habang umiiyak sa tabi ng amang namatay dahil binaril ni Salida.

Natatawa nga kami sa mga comment ng mga fan, na sana raw ay si Salida na lang ang pinatay. Kampon daw ng kasamaan si Salida. Sa mga darating na episodes ay aabangan natin kung paano titirahin ni Ana Roces ang mag-inang Manisan at Sahaya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy