Una sa Balita

Alden hello ‘Eat Bulaga’, goodbye HK na

By
0 505

Sinuyod nina Alden Richards at Lovely Abella ang ilang lugar sa Hong Kong para humanap ng 24 hours na gym para makapag-workout. Kapwa nasa HK ang dalawa para sa shooting ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden.

Twenty minutes ang layo ng gym sa kanilang hotel pero laban pa rin sila dahil na-achieve naman nila ang hangad na makapag-workout, huh!

Tapos na ang shooting sa HK ng Cathy Garcia-Molina movie. Nagpasalamat si Lovely sa friendship na nabuo niya kina Kathryn, Maymay Entrata at Kakai Bautista.

Back to “Eat Bulaga” na si Alden. Ngayong weekend ay opening ng food franchise ng Pambansang Bae sa Biñan, Laguna.

After Hong Kong, lilipad patu­ngong Brooklyn, New York si Alden para sa episode ng “Studio 7” sa na­sabing siyudad. Gagawin ang “Studio 7” show sa May 11 sa King’s Theater.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy