Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden hatid sundo ang ‘dyowa’ sa Antipolo

0 1,594

Nakakaloka ang mga fan, supporter ng guwapo at paborito naming si Alden Richards dahil grabe nila kaming na-bash sa aming YouTube channel.

Meron kasi kaming item dun kung true or chika lang ang nakarating sa aming diumano ay may special girl na pinupuntahan, inihahatid ang aktor before or after nitong mag-Eat Bulaga.

Na diumano ay nasa area lang malapit sa APT Studio along Marcos Highway, na sa Antipolo, Cainta, Marikina areas ito nakatira.

Aba niratratan na kami ng walang patumanggang name calling and allegations ng mga obviously ay hindi naman pinanood ang post kundi nakisakay na lang sa mga komento at bashing ng iba.

And we found out na meron palang tatlong grupo (at least) na nakigulo. Nandiyan ang mga fan ni Alden, ni Maine Mendoza at ang grupong AlDub. Galit na galit ang AlDub na ipinamumukha sa amin na sina Alden at Maine pa rin as real life couple habang may mga defensive Maine fan namang nagsabi na hindi sa kanila nanggaling ang chika at baka raw malagay na naman sa alanganin ang idolo nila.

Positive namang tinanggap ng ilang Alden fan ang tsismis lalo pa’t deserve naman daw ng binata ang magkaroon ng sariling happiness if ever ngang special girl yun.

Sila-sila talaga nagsasagutan sa aming napakaiksing video chismis item (mas mahaba pa nga yung mga bati-bati namin sa mga friends hahahaha!).

Wala rin kaming na-mention na konektado ito kay Maine maliban sa ikinatutuwa naming mas malalim na friendship nina Alden at Maine sa Eat Bulaga ngayong nasa new normal tayo.

Aktor pinalayas ng amang politiko

Nakakaloka rin ang tsismis na umalis o pinaalis diumano sa kanilang tahanan ang isang kilalang hunk actor nang dahil sa tila misunderstanding na naganap between him and his Congressman father na bumoto ng “Yes” para i-deny ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Though hindi naman nagsasalita ang aktor sa isyu nila ng kanyang ama, maliban sa pagpapahayag nito ng suporta para sa kaniyang network, kumalat nga ang tsismis na (among other siblings of those who voted “yes” to denial of franchise) umano ay nagkasagutan silang mag-ama na nauwi nga sa pag-alis o pagpapalayas.

Again, true or chika? Hmmm….

Leave A Reply

Your email address will not be published.