Una sa Balita

Alden game sa hubaran

‘Wag lang bastos, malaswa

By
0 1,178

Nagbunga ang mga pag-e-effort ni Alden Richards na magpaganda talaga ng katawan. Imagine, for the last 11 years na ginagawa ang Most Sexiest poll ng Starmometer, bukod-tanging si Alden lang pala ang Kapuso na nag-top dito.

This year nga, si Alden ang nanalong ‘Sexiest Man in the Philippines’ kaya nang hingan namin siya ng reaksyon tungkol dito ay alam naming natuwa ang Pambansang Bae.

“Thankful po ako sa lahat ng mga bumoto, pero hindi ko nga po–,” tila nahihiya pang i-acknowledge ang pagiging sexiest niya.
Biniro namin siyang nu’ng nakaraang concert nga niya, nagpa-“abs” pa siya na bentang-benta sa lahat.

“Actually, nagpapasa­lamat po ako kasi online voting po ‘yun. Sa lahat ng nagpuyat, maraming salamat. Masarap lang po talaga ang recognition na ganyan na ma-recognize ka as sexiest. Ang weird nga lang po na ma-recognize pa ‘kong sexy ngayon kung kailan hindi ako madalas maghubad as compared noong madalas akong maghubad the past few years.

“Baligtad po, Ha ha ha!”

Masarap nga ba sa pakiramdam na nae-excite sa kanya ang manonood kapag nagpapakita siya ng abs?

“Tiyan lang po ‘yun na may konting taba, Ha ha ha!”

Pero aminado ang bida ng GMA-7’s primetime series na “Victor Magtanggol” na somehow bilang actor, talaga naman daw pupunta at pupunta rin sa ganu’n.

“Well, kahit papaano at some point on your career, medyo pupunta ka sa ganu’ng aspeto. Patikim-tikim po.”
Kailan naman kaya ang full-blast?

“Ay naku! Hindi ko po alam, bahala na. Pero ako naman po pagdating sa craft, sa pagiging actor at required sa isang eksena at kung ang eksenang ‘yun ay hindi naman papunta sa kabastusan o kalaswaan, it’s for the sake of art and for the sake of the story, I’m willing to do it.”

Nakausap namin si Alden sa shooting ng magiging webisodes ng ine-endorso niyang Cookie’s Peanut Butter kunsaan, mag­luluto si Alden ng iba’t ibang recipe na gamit ang cookie’s peanut butter. ­Ginawa ang shoot sa mismong bahay ng mga Yatco sa Biñan.

Nagluluto rin daw siya kapag may time pero basically, steak daw ang speacialty niya. Pero nang tanungin namin ito kung sakali at magka-girlfriend at ano ang iluluto niya, mabilis na kare-kare ang sagot niya.

“Natuto na ‘ko kung paano iluto e, gamit ang Cookie’s Peanut Butter. Hindi naman sa dahil ako endorser, pero sob­rang sarap po, lasang-lasa talaga. So kapag meron na, ‘yun po ang ­iluluto ko.”

***

Ganyan naman talaga siya!” ang naging reaksiyon ng mga nakaalam ng diumano’y ginawang pagtulong ng Superstar na si Nora Aunor sa assistant director ng kasaluku­yang primetime series nito sa Kapuso network na “Onanay”.

Kung matatandaan, nabalita kamakailan lang ang biglaang pagpanaw ng A.D. ng “Onanay” at may pamilyang naiwan sa probinsiya.

Ang balita pa nga, tila sa mismong ta­lent fee raw ng Superstar nu’ng araw na ‘yun na kinuha ang bungkos ng pera na hindi na raw binilang yata at inabot na agad bilang tulong niya sa namatay na director.

In fairness, nababalitaan lang din naman namin sa mga malalapit dito na pagdating sa pagiging maawain at matulu­ngin, iba raw talaga ang Superstar. Na noon nga raw, dahil din sa ganitong natural na ugali ay ‘di maiwasang may nakakapang-abuso pa.

Sa isang banda, maituturing na maganda ang pagbabalik-serye ni Ate Guy dahil isa sa toprater among the primetime series ng GMA ang “Onanay” at maraming sumusubaybay talaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy