Una sa Balita

Alden gaganap na Santa Claus

0 554

abante-paistaran-dondon-serminoAmoy na amoy ko na ang Pasko. Kaya naman si Lola Goreng at ang mga bata, busy na sa pagdedekorasyon, kasama sina Metring at Jorrel. At dito nga napag-usapan si Santa Claus, na pumasok nga sa isip ni Moira.

Gusto niyang malaman kung totoo ba talaga si Santa Claus. Ang sagot nina Alice, Moira at Elvis, oo naman. Pero si Jorrel, hindi naniniwala.

Kaya naman si Lola Goreng, agad na nagkuwento tungkol kay Nonoy, na isang Filipino Santa.

Si Nonoy ay isang tour guide from Batangas. Isinasakay ni Nonoy sa kanyang kabayo ang mga turista at inililibot sa magagandang lugar sa Batangas.

Isa siyang simple, kind at mapagbigay ng lalake. Kaya naman ang mga pasahero niya ay gustong-gusto siya, dahil sa kanyang caring ways.

Sa kanyang free time, tinuturuan niya ang mga kapitbahay niyang sina Mary at Christy. At sa isang session nila, sinabihan niya ang dalawa na sumulat kay Santa Claus, pero nagtalo lang ang magkapatid tungkol sa kung totoo ba si Santa. Si Christy ay naniniwala kay Santa, habang si Mary ay hindi.

May mga kaibigan din si Nonoy na hindi naniniwala sa Pasko. They don’t want to spend time and effort about Christmas. Sinasabi rin nila na ang mga tao ay nagiging mabait lang kapag Pasko, at bumabalik ang kasamaan ng ugali pagkatapos.

Kaya naman sobrang lungkot ni Nonoy. Hiniling niya na sana ay may magawa siya na maibalik ang maging pagmamahal, joy and happiness na hatid ng Pasko.

At hindi alam ni Nonoy, ipinadala ni Santa Claus si Elfis sa Pilipinas, at sa bahay ni Nonoy siya napadpad. Nagulat si Nonoy nang makita ang Elf. At dito nga sinabi ng Elf kay Nonoy na gagawin siyang Filipino Santa.

At siyempre challenge accepted agad, at dito nga siya naging Filipino Santa!

Ay, si Alden Richards nga pala ang gaganap na Pinoy Santa Claus, na bagay na bagay sa kanya, dahil matulu­ngin, at nagbibigay kaligayahan naman talaga siya sa mga Filipino.

Anyway, abangan ang susunod na kabanata.

 

Dingdong, Dennis nagpaligaya ng mga fan sa Cagayan de Oro

Dumayo ng Cagayan de Oro sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo kahapon, para sa isang Kapuso Mall Show courtesy of GMA Regional TV. Ang mga bida ng Cain at Abel ay sinamahan pa ng mga babae sa buhay nila, sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.

“Gusto naming maging masaya ang mga Kapuso natin sa Cagayan de Oro, kaya dinala namin sa kanila ang mga bida ng Cain at Abel, para maging memorable sa kanila ang araw na ‘yon,” sabi ni GMA Regional TV Vice President and Head Oliver Amoroso.

“We know that it’s not every day that they get to see their favorite stars up close. So we are excited to bring to them Dingdong and Dennis—two of the country’s top actors. This is still our way of giving back to our loyal Kapuso in the regions who continue to support and inspire us throughout the years,” dagdag pa niya.

 

Shaina Magdayao nahawaan ng ‘HIV’ ni RK Bagatsing

Sana naman pagsamahin sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual sa teleserye. Ganiyan ang sabi ng mga fan nila.

Pero malabo pa ‘yon sa ngayon, dahil si Shaina, gaganap muna bilang isang babae na nahawaan ng HIV. Mapapanood sa MMK si Shaina bilang si Sheila, na nakikipagsapalaran sa buhay.

Magpupursigi sa buhay si Sheila sa ibang bansa dahil siya nga ang ‘bread winner’ ng pamilya. Sa sobrang pagmamahal sa pamilya, nakalimutan ang sarili at hindi na nagkarelasyon.

Hanggang sa makikilala niya ang seaman na si Rey (RK Bagatsing) na isang babaero. Nagpakasal sila, at mabibiyayaan ng anak na babae, si Lyka.
Pero isang araw, madidiskubre ni Sheila na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang anak. Guguho ang mundo niya lalo na nang malaman na nakuha ito ni Lyka kay Rey na nagkaroon ng HIV dahil sa kung kani-kaninong babae sumisiping noong binata pa. Mas magiging mapait ang mga pangyayari dahil siya rin ay may HIV na.

Mamamatay si Rey. At buong tapang at lakas na itataguyod ni Sheila ang nag-iisang anak sa kabila ng sariling sakit na pinasa ng yumaong asawa.

Ililihim ni Sheila kay Lyka ang sakit nilang mag-ina sa takot na mahusgahan ng lipunan ang anak. Lalaki na puno ng pagmamahal si Lyka kasama ang ina hanggang sa malalaman nito na may HIV siya.

Magkakaroon pa ba ng re­solusyon ang pighating dala ng sakit ng mag-ina? Matatanggap pa ba ng lipunan ang mga may HIV? Sapat ba ang pagmamahal ng isang ina sa anak upang protektahan ito sa mapanghusgang lipunan?

Kasama rin sa episode sina Irma Jana Agoncillo, Belle Mariano, Celine Lim at Yayo Aguila. Mula sa direksyon ni Raz de la Torre at panulat nina Akeem Jordan del Rosario at Arah Jell Badayos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy