Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden epektibong endorser ng GMA Now

0 77

Ang bongga talagang endorser ni Alden Richards. Si Alden nga ang ‘mukha’ ng GMA Now.

At ngayon nga ay patuloy itong umaani ng papuri sa mga netizen, manonood ang plug and play dongle ng Kapuso Network na GMA Now na inilunsad nitong Pebrero.

Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring gamitin sa Android smartphones upang mapanood ang live broadcast ng mga Kapuso channel ng libre. Gamit ang GMA Now app, mapapanood ang mga latest shows na nasa GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at ang pinakabagong digital channel na I Heart Movies gayundin ang free-to-air channels na available sa area nang hindi na kinakailangan pa ng internet connection.

Kapag online naman, nae-enjoy rin ng GMA Now users ang exclusive interactive features kung saan pwede silang gumawa ng group at makipag-chat sa kanilang mga pamilya at kaibigan habang nanonood ng TV sa pamamagitan ng Groupee Chat; balik-balikan ang mga kinagiliwang Kapuso show sa GMA Videos-On-Demand; at may chance pang manalo ng papremyo sa masasayang quizzes sa Interactive Promos.

Masayang ibinahagi ng maraming users sa iba’t ibang platforms ang kanilang experience sa bagong game-changing entertainment device ng GMA.

Sabi ni Ian R., higit pa raw sa 5-star rating ang deserve na matanggap ng GMA Now. “Maliit lang pero kulang pa ang five stars ko kasi laking tulong at ganda nito.”

Na-appreciate naman ng user na si Conrad J. ang quality ng device at customer service sa pagbili niya nito.

“Product is good and came with complete accessories. Portable and handy way to watch TV on the go. Registration process is straightforward. Appreciated the gesture of receiving a message (Lazada and thru text) prior to shipping informing me the non-guarantee of getting a signal at my shipping address. Simple things that make a big difference.”

Comment naman ng Shopee buyer, “Okay na okay ito para sa mga nagco-commute at sa mga nagbabakasyon sa ibang lugar. Pang-tanggal inip at pang-enjoy din at para sa mga hindi maka-afford ng TV pero gustong manood.”

Patuloy na pinapalawak ang coverage ng GMA Now. Sa ngayon ay available ito sa portions ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, at Cagayan de Oro.

Sa halagang P649 at walang kinakailangang monthly fees, makakapanood ka na ng TV on-the-go for free at mae-enjoy mo pa ang exclusive interactive features ng GMA Now!

Mabibili ang GMA Now sa official GMA Store sa Lazada and Shopee o sa pinakamalapit na tech and gadget stores. Para sa list of stores at iba pang mga detalye, visit www.gmanow.tv at ang official social media accounts nito sa Facebook, Twitter, at Instagram. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.