Una sa Balita

Alden, Dingdong, Dennis, Jennylyn, Lovi, Betong sa New Jersey tagumpay

By
0 2,115

Winner ang unang leg ng Sikat Ka Kapuso concert na ginanap nitong weekend sa Newark Symphony Hall sa New Jersey. Palakasan ng tili ang nanood kina Dingdong Dantes, Alden Richards, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe habang todo ha­lakhak namans sila sa pa­kuwela ni Betong Sumaya.

Todo-tweet naman ang mga Pinoy na nanood sa tagumpay ng concert. Hindi raw nasayang ang biyahe ng ilang Pinoy na based sa Manhataan, New York papuntang New Jersey dahil solved na solved sila sa bonggang numbers ng Kapuso stars.

“A good turnout indeed!” tweet ni @marcinareus.

“Ganda ng show non-stop wala pang games in between. That’s what a concert looks like,” @mapother47.

“2018’s gonna be big for alden. Finally iba na ang songs nya at dance steps nya,” @AlconLala.

Ang hashtag namang #SikatKaKapuso ay pumalo sa second spot sa Twitter trends sa bansa.

Pero, may mga nag-iimbento na kesyo hindi raw successful ang concert na ito dahil hindi kasama ni Alden si Maine Mendoza. Naku, tigilan na ‘yan, ha! Hindi lang si Alden ang nasa show, dahil kasama rin niya ang mga sikat na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, no! Successful ang show na ito, kaya ‘wag nang mang-intriga pa.

From New Jersey, pasasayahin ng Kapuso artists ang mga Pinoy sa Toronto, Canada kung saan gaganapin ang concert sa Sony Center for the Performing Arts.

Martin, Gary napa-OMG, Wow kina Robert, Lea

Napa-wow si Martin Nievera habang napabulalas naman ng, ‘OMG!’ si Gary Valenciano nang i-post ni Lea Salonga ang i-post niya ang picture ni ng Hollywood actor na si Robert de Niro sa kanyang Instagam.

“Thank you, sir, for visiting the island with your lovely family! #RobertDeNiro @onceislandbway,” caption ni Lea.

Inggit naman ang ibang followers ng Broadway superstar sa photo together ng dalawa. Wish naman ng ilan eh magsama sila sa isang project.