Una sa Balita

Alden ‘di na makapunta sa Divisoria

0 439

Excited si Alden Richards sa bago niyang role sa “The Gift”, dahil ayon sa kanya ay never pa niyang ginawa ito.

Masayang-masaya si Alden dahil sobra raw ang support ng GMA sa project na ito na ginastusan nang husto ng production. Lagi silang nasa Divisoria since palengke nga ang setting nila.

Ang nagiging problema lang ay palagi silang dinudumog ng mga tao kahit na sandamakmak ang security na ginagamit nila gaya ng mga Pulis Maynila, barangay tanod at mga security ng GMA. Lahat gusto makalapit kay Alden.

Kaya ang ending nila ay dinadaya na lang nila minsan ang palengke location sa isang malaking bodega na mga extra na lang ang tinatambak nila para sa mga market scene. Kung hindi nila gagawin ito ay walang makukunan na eksena.

Sobra raw ang kabaitan ni Alden na kahit na nagkakaproblema sila sa pagdagsa ng mga tao ay nilalapitan pa raw ito ng Asia’s Multimedia Star para matuwa sila. Kaya sobra ang papuri ni Direk LA Madridejos sa lead actor niya na never daw nagbago kahit sa kasikatan niya ngayon.

Samantala, isang malaking achievement daw kay Jo Berry na makasama si Alden sa isang teleserye after her last project na naging very successful with the superstar herself Ms. Nora Aunor. Masuwerte si Jo na kabago-bago pa lang ay sa mga magagandang teleserye siya napapabilang.

Lexi, Shayne bakbakan na sa ‘StarStruck’

Nasa final stage na ang “StarStruck” na ang natitirang maglalaban-laban ay sina Allen Ansay, Kim de Leon, Shayne Sava at Lexi Gonzales. Ngayong weekend na natin malalaman ang mga ultimate survivors na magwawagi. Sino kaya?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy