Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alden damay sa galit ng mga netizen sa DOH

0 792

Ano ba ‘yan? Hindi pa man tuluyang ipinakikilala si Alden Richards bilang tagapagsalita o ambassador ng Department of Health laban sa COVID-19, may mga bumibira na agad.

Inilabas na nga ng DOH ang plugging nila tungkol sa bagong personalidad na makakasama nila. Heto nga ang paandar ng DOH:

“Sino kaya ang kasama natin to #BIDASolusyon?

“Isang tulog na lang, makikilala mo na siya!

“Sino ang hula niyo? Ilagay sa ibaba!”

Kasunod nito ang mga hashtag na #BeatCOVID19, #WeHealAsOne.

At kahit blurred nga ang itsura ng photo, nahulaan agad ng mga fan na si Alden ito.

Kaya sunod-sunod agad ang reaksiyon ng mga netizen, lalo na `yung galit na galit sa DOH, o sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“May pambayad sa talent fee ni Alden Richards. Pero walang pang-mass testing sa mga nag-#BalikProbinsya. Tang@#$% niyo po. Isa ka pa Alden!” reaksiyon ni @basuratuladmo.

Nag-aalala nga ang mga supporter ni Alden na nadadamay sa galit sa DOH ang idolo nila.

Pero siyempre, hindi rin pakakabog ang mga supporter ni Alden na ipagtanggol ang idolo nila.

“Hindi lang ito laban ng government. Laban nating lahat. Kalimutan ang politics, focus tayo sa public safety,” sey ni Heven Narvaez-Julian.

“Forget about politics. Pandemic is on kaya ito ang dapat focus,” saad naman ni JJ Jash.

“I’m sure Alden knows what he is doing. He is a very good example for health awareness campaign. Just be careful in the picture taking,” hiriti ni Maria Clara.

“If Alden was approached by DOH, why would he say n ot? This is not about politics or marketing. It’s public service, an opportunity for him to convey to people that we all need to do our part to beat covid. He’s not part of the govt, he’s only speaking of public safety,” depensa ni klever.

Well, bukod kay Alden, una na ngang nagpakalat ng tamang impormasyon sa paglaban sa coronavirus sina Dingdong Dantes, Bela Padilla.

So, wag masyadong harsh kay Alden, ha!

Julie, Kyline live ulit sa ‘AOS’

Anyway, matapos ang ilang buwan ay muling mapapanood sa telebisyon ang ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ sa Linggo (July 12), sa bago nitong timeslot at 12:45pm sa GMA-7.

Pero bilang pag-iingat ay magpe-perform live ang AOS stars sa likod ng kanilang screens via zoom.

So, abangan sina Alden, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Bianca Umali, Ruru Madrid, Jak Roberto.

Marami ring sorpresang hatid ang cast na mamimigay ng GMA Affordabox sa lucky TV viewers.

Bossing naguwapuhan kay Pambansang Bae

Speaking of Alden pa rin, waging-wagi sa puso ng netizen ang kumalat na behind-the-scenes photo niya na sumubok maging cameraman sa episode ng Eat Bulaga nitong July 7.

Hindi ito nakaligtas sa avid viewers ng Eat Bulaga kaya pinusuan agad ang cute na cute na mga photo ni Alden. Si Alden nga raw ang pinakagwapong cameraman ngayon.

“Yung camera man natin, ang pogi, o,” sabi ni Bossing Vic Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.