Una sa Balita

Alden, Coco type ni Jillian Ward

0 343

Ang bilis ng panahon. Imagine, 2010 nung una naming inalagaan ang career ni Jillian Ward na bida agad sa Trudis Liit na isang teleserye noon sa GMA 7.

Sa murang edad na Jillian ay nakitaan agad siya ng kakaibang talent ng Kapuso Network.

Hindi pa siya maru­nong bumasa noon at idinidikta lang sa kanya ng staff ang dialogue niya habang kung ano-ano ang pinagkukukutkot niya na nag-aalala ang personal assistant at baka hindi nito naiintindihan ang sasabihin.

Pero sa actual shot ng bawat eksena ay saulo ni Jillian ang mga dialogue na binasa­ sa kanya na ikinamangha ng lahat. Ang problema lang sa kanya ay kapag inantok at nakatulog na ay hindi mo na siya magising.

Ngayon ay 14 years oldna siya, at bida na ulit sa Prima Donnas bilang nakakatandang kapatid sa tatlo. At dahil teenager na siya ay normal naman na may nagugustuhan na siya, o crush.

Ayaw niya sa mga kaedad niya, dahil sina Alden Richards at Coco Martin ang bet niya.

Lumaking super ganda bi Jillian at hindi maiiwasan na ngayon pa lang ay may mga lalaking nagpaparamdam sa kanya, pero hindi raw ‘yon ang focused­ niya. Marami pa raw siyang pangarap bilang­ artista.

Ruru Madrid tikom ang bibig sa relasyon kay Bianca Umali

Mabilis na nag-tren­ding ang bagong single ni Ruru Madrid na Nawawala. Ini-release nga ng GMA Music ‘yon at agad nag-ingay nang bonggang bongga sa social media.

Gandang-ganda si Ruru sa lyrics ng song na maraming pinaghuhugutan.

Pero, kahit anong pilit ng mga kasamahan sa panulat ay wala silang makuhang impormasyon sa love life ng lover boy na ito. Ayaw niyang magsalita tungkol kay Bianca Umali. Mas gusto na nga naman niyang tahimik at private imbes na mag-ingay na pinagmumulan ng gulo o away.

Katatapos nga lang gawin ni Ruru ang dalawang movie project at may mga bagong pumapasok pa. Looking forward siya sa isang project na `yon dahil type na type niya ang makakatambal niya, kaya sana raw ay matuloy ‘yon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy